Ina ni Sunshine Dizon na si Dorothy Laforteza, tikom muna ang bibig sa problema ng anak at asawa nito!

ADVERTISING

Ina ni Sunshine Dizon na si Dorothy Laforteza, tikom muna ang bibig sa problema ng anak at asawa nito!

Dorothy Laforteza With Her Grandchildren
Dorothy Laforteza With Her Grandchildren

Tikom ang bibig at ayaw magsalita ni Tita Dorothy Laforteza, ina ng controversial actress ngayon na si Sunshine Dizon, kaugnay sa nangyaring hiwalayan ng kanyang anak at pilotong asawa nito na si Timothy Tan.
Tsika nga ni Tita Dorothy, “Ayoko munang magsalita ngayon. May tamang oras para magsalita. At ‘pag nagsalita ako, marami akong sasabihin, mahirap na. Pero lahat ng sasabihin ko, totoo at may basehan ako.
“Kilala n’yo naman ako, kapag nagsimula nang magsalita, mahirap nang awatin. Kaya nga pinipigilan ko munang magsalita ngayon, pero magsasalita’t magsasalita ako. ‘Yan ang abangan n’yo.
“Katulad ng sinabi ko kanina, may mga ebidensiya ako at totoo ang nakalap kong ebidensiya, Pero ngayon, quiet muna ako,” pagtatapos ni Tita Dorothy.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING