Ina ni Pauleen Luna, hindi masaya sa pagpapakasal ng anak kay Vic Sotto?

Ina ni Pauleen Luna, hindi masaya sa pagpapakasal ng anak kay Vic Sotto?

Vic-Sotto-Pauline-LunaNoong una, ayaw kong maniwala na may ganung isyu hangga’t hindi kinukumpirma sa amin ng isang entertainment reporter ang totoong nararamdaman ng ina ni Pauleen Luna sa nalalapit na kasal nito kay Bosing Vic Sotto.

Ayon sa reporter-radio broadcaster, nakasalubong niya ang pamilya ni Pauleen Luna sa isang malaking mall na nang batiin niya ang ina nito at kumustahin kung ready na siya sa malaking kasalan ng anak, sumimangot daw si Mother. Sa deskripsyon ng reporter, hindi maganda ang naging expression ng mukha ng ina ng dalaga na may gustong ihatid na mensahe ng pagtutol.

“Sabi niya, hindi man diretsahan, parang hindi siya masaya. Ang masaya lang ay ang anak niya at si Bosing Vic Sotto,” sabi ng entertainment broadcaster sa amin.

Ang nakapanlulumo, sa kabila ng masayang imahe na dala-dala ng kasalang Bosing Vic at Pauleen, tila ang pamilya naman ng dalaga ay napipilitan lang at may resistance ayon sa pagkukuwento ng reporter-broadcaster sa amin.

“Darating si Mommy sa kasal alang-alang sa kasiyahan ng anak. ‘Yun nga lang, alam mo na pilit at hindi bukal sa loob,” kuwento ng reporter-broadcaster sa amin na noon pa man ay very close na sa pamilya nina Pauleen bago pa man nito naging karelasyon si Bosing Vic.

Come to think of it, puro side ni Bosing Vic ang ipini-feature ng mga online news at sa mga balita. Ang line up of sponsors at kung sinu-sino a ang kasama sa “sekretong kasalan” na until now ay hindi pa ibinubunyag kung saan magaganap.

I just don’t know kung may pre-nuptial agreement between Bosing Vic and Pauleen bago maganap ang kasal. Sa ngayon sa pagkakaintindi ko sa marriage law na umiiral sa Pilipinas, pagkasal na ang dalawa, parehong may karapatan na ang isa’t isa sa mga properties and investments ng bawat isa. In short, ang datung ni Bosing Vic ay datung na rin ni Pauleen.

Reyted K
By RK VillaCorta