Ina ni Jam Sebastian, umani ng mga batikos sa social media

ADVERTISING

Ina ni Jam Sebastian, umani ng mga batikos sa social media

Maricar-Sebastian-Jam-SebastianNOW THAT the remains of Jam Sebastian were finally laid to rest, here’s hoping that nasty comments about his mom died and were buried with him.

ADVERTISING

Buhay pa man kasi si Jam (he expired on March 4, 10:30 am) ay umani na ng mga batikos si Mommy Maricar lalung-lalo na noong magbanggit siya ng pangalan ng mga kilalang personalidad she wanted to visit her son.

Tatlo rito ay sina Kris Aquino, Vice Ganda, at Manny Pacquiao—all of whom heeded the mom’s request. Alam naman natin ang financial standing ng mga nabanggit, at dito napulaan ang ina na ang kanyang panawagan ay isang malinaw na fund-raising campaign sa laki na ng kanilang nagagastos sa ospital.

Sabi nga ni Mrs. Sebastian in an intimate talk with a TV program staff, “Kahit gaano ka pa kayaman, dadaing ka sa gastos”. Kelan pa ba na-confine si Jam, December 2014? Until he breathed his last ay nasa ospital pa rin siya.

ADVERTISING

Hindi pa nakuntento ang marami: maging ang pagse-selfie ni Mommy Maricar smilingly posing before her son slid into his casket ay napulaan din. And what if the supposedly grieving mother was taking a selfie at nakangiti pa? Was the world expecting a mother na nakatayo sa harap ng kabaong ng kanyang anak na naglulupasay all throughout the wake until her tear ducts went dry?

Hindi ba puwedeng mismong si Ginang Maricar ang umisip ng paraan para gumaan naman ang kanyang kalooban, and the interment day be left reserved para du’n na niya ibuhos nang todo-todo ang kanyang mga luha?

Kung si Jam nga, nakuha pang mag-selfie moments before he expired, ‘yung mismong tao who could already sense his impending death, pagdating sa ina, bawal?

Hindi ba’t para sa mga taong ispiritwal, death is even a celebration of life?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING