Ina ni Cherry Pie Picache, pinatay sa saksak

ADVERTISING

Cherry_Pie_PicacheNASA STATE of shock pa rin ang aktres na si Cherry Pier Picache matapos matagpuang patay ang kanyang 75-anyos na ina sa bahay nito sa Sct. Lascano St., Quezon City Biyernes ng gabi.

Sa report ng DZMM, ang kaibigan ng aktres na si Peter Serrano ang nagbigay ng pahayag sa media dahil hindi pa rin makausap si Cherry Pie matapos ang insidente.

Sa kuwento ni Peter, hindi na sumasagot sa tawag sa cellphone ni Cherry Pie ang kanyang ina kung kaya’t kinabahan na ito. Nagdesisyon ang aktres na puntahan ang ina na mag-isang nakatira sa bahay nito.

Nang makarating sa bahay ng ina, sarado ang gate kung kaya’t pinatalon ni Cherry Pie ang kanyang driver, at nang mabuksan ang gate, pinahanap na ng aktres ang kanyang ina.

Nang matagpuan ng driver, tadtad ng saksak ang wala nang buhay na katawan ng ina ni Cherry Pie sa sahig.

ADVERTISING

Pahayag pa ni Peter, dalawang hardinero ang kasama ng ina ni Cherry Pie sa bahay at tatlong babaeng tagalinis na nagpapalit-palitan.

Blanko pa rin sa ngayon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo nito sa krimen.

 

Parazzi Reportorial Team

ADVERTISING