Ina Feleo, nalilinya sa mga kontrabida role

ADVERTISING

Ina Feleo, nalilinya sa mga kontrabida role

Tila nalilinya ang award-winning actress na si Ina Feleo sa kontrabida roles. Huli siyang napanood sa seryeng “Hanggang Makita Kang Muli” ng GMA na tinampukan nina Bea Binene at Derrick Monasterio. After nito ay kasali rin si Ina sa seryeng “Destined To Be Yours” na tatampukan nina Maine Mendoza at Alden Richards. 

ADVERTISING
Ina Feleo, nalilinya sa mga kontrabida role
Ina Feleo

Ayon kay Ina, kontrabida ulit ang role niya rito. “Oo, medyo ganoon, aapihin ko rito si Alden,” nakangiting saad ng aktres. 

Handa na rin daw siyang ma-bash ng sangkaterbang AlDub fans. “Siyempre, oo,” nakatawang sagot niya. “Nagre-ready naman ako, sabi ko nga, ‘Diyos ko!’ noong nalaman ko na kontrabida ako rito.” 

Pero nagulat daw si Ina dahil kakaiba ang encounter niya sa AlDub fans. “Pero actually, ang bait ng fans nila. Kasi nag-post ako noong nag-storycon, nag-post ako ng picture naming tatlo nina Richard at Maine.” 

ADVERTISING

Ayon pa sa two-time Cinemalaya Best Actress for “Endo” (2007) at “Sanglaan” (2009), puwede niyang i-consider na dream role ang nagawa niya sa huling kontrabida character na kanyang ginampanan. 

“Iyong huli kong TV (series), ‘Hanggang Makita Kang Muli’, pakiramdam ko medyo dream role na rin. Gusto ko kasing makagawa ng mentally unstable, ‘yung tipong may sayad, pero ‘yung ginawa ko sociopath siya. 

“So pumapatay siya, naramdaman ko lang kasi na throughout the serye, ang daming pinagdaaanan ng character. At saka hindi siya ‘yung normal na ginagawa ko na kontrabida na basta masama, masama. Galit, galit! ‘Eto, parang napasok ko talaga ‘yung psyche ng tao, ‘tsaka ‘di siya naging boring. Parang for me, every taping, everyday ay excited akong magtrabaho, kasi iba na naman. 

“Challenging siya talaga, tapos si Mommy (Direk Laurice Guillen) pa ang nagdirek niyon. Kaya napag-uusapan talaga namin (ni Mommy) at nalalaro ko talaga ang character ko. ‘Tsaka grabe rin ‘yung freedom na ibinigay niya. Na kunwari, isang eksena, sasabihin niya lang sa akin kung nasaan ‘yung camera tapos bahala ka na. ‘I-block mo,’ So parang ayun, na-feel ko talaga na na-push ako bilang artista at saka nagkakumpiyansa rin ako at the same time.” 

Aminado rin si Ina na minsan pakiramdam niya’y sumasapi sa kanya ang namayapang amang si Johnny Delgado, kapag gumaganap sa kontrabida roles. 

“Minsan feeling ko ay parang sumasapi sa akin si Daddy. Naalala ko lagi ‘yung little pointers niya, kasi hindi naman talaga siya nagtuturo masyado. Pero naaalala ko ang pointers niya kapag ano, lalo na kapag nagko-kontrabida ako. Kasi si Daddy, parang ang style niya, ‘yung hindi mo alam kung ano ang susunod niyang gagawin. 

“Kaya lagi kong tina-try na ma-achieve iyon. So kapag napapansin ko na parang nagiging predictable na ang ginagawa ko, tina-try ko talagang baliin ‘yun. Iniisip ko ang daddy ko kapag ganoon, kasi magaling siyang kontrabida talaga.” 

Incidentally, kasali rin si Ina sa proyektong “Citizen Jake” na tatampukan ni Atom Araullo at magiging hudyat ng pagbabalik-pelikula ni Direk Mike de Leon.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING