In-offer-an ng kalahating milyon: baguhang male singer, ‘di natuksong ikalakal ang katawan!

ADVERTISING

HINDI NA rin lihim ngayon sa kalakaran ng showbiz, na ang mga artista ay hindi na lang basta tinitingala, hinahangaan, pinapalakpakan, tinitilian at pinapanood sa kanilang mga pagpapamalas ng talento halimbawa’y sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte. Dahil likas na magaganda at guwapo ang mga artista, kaya kung sila’y pinagpapantasyahan ng kanilang mga tagahanga, kakambal na niyan ang tanong: Magkano sila kung ikakama?

Hindi naman pupuwedeng magmalinis at hindi matuksong maibugaw ang ibang mga artista, dahil kapag wala silang raket sa showbiz ay gutom ang aabutin nila. Mayroong mga artistang napepresyuhan, pero mayroon namang mga baguhang umeentra sa showbiz na ayaw talagang magpa-booking at nagtitiis na lamang sa barya-baryang talent fee na kanilang natatanggap. Katulad na lamang ng baguhang singer, na tawagin natin sa pangalang Paul Justin.

Isang matronang galing sa nakariririwasang pamilya ng mga pulitiko sa isang malayong probinsiya ang nagkagusto kay Paul. Ang mga kaluluwang-gala sa showbiz na umeeksena ng pagbu-booking ay umeksena kay Paul para naman magkapera siya, dahil hindi pa naman siya sikat na sikat. Pero malakas ang dating ng kanyang sex appeal, tsinito kasi siya, na sobrang makinis at malinis ang kutis, na parang laging bagong paligo sa bango ng kanyang halimuyak.

Kuwento ng mga babaeng naka-sex ni Paul, ay malaki raw ang hinaharap ng kanyang kaligayahan, at makinis nga ang buong katawan kapag nahubaran. Nalungkot ang mga nagtangka na ibugaw si Paul, dahil sa halagang five hundred thousand na ibabayad sa kanya ay ayaw niyang magpa-booking. Nagtitiis talaga siya kung magkano lang ang kinikita niya ngayon sa pagkanta-kanta. Pero kapag nakikita si Paul ng mga bugaw ay napapailing sila pero naroon ang pagrespeto na mayroon palang mga kabataan ‘tulad ni Paul, na hindi natutuksong ikalakal ang katawan para lang kumita ng easy money.

(By Melchor Bautista)

ADVERTISING

 

ADVERTISING