IN LOVE KAY MY-HAL: Ruru Madrid, tinawag na ‘my grumpy unicorn’ si Bianca Umali

ANG TAMIS naman talaga!

‘Yan lang ang masasabi namin sa recent social media posts ng Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, na usap-usapan ay ilang taon na rin daw magkasintahan.

Hindi man nila direktang inaamin na may special relationship ang dalawa, hindi maikakaila na there’s something between them.

IN LOVE KAY MY-HAL: Ruru Madrid, tinawag na 'my grumpy unicorn' si Bianca Umali
Ruru Madrid and Bianca Umali

“For you, I will do anything to make sure your day is a good one. Happy birthday, My grumpy unicorn!” post ni Ruru sa kanyang IG caption kalakip ang sweet photos nila ng birthday girl na sinuklian naman ng tatlong kissing emoji.

S’yempre, hindi nagpahuli ang March birthday celebrant! Sa kanyang IG ay nagpost din ito ng vacation photo with the caption “content, happy and grateful… “.

Umeksena muli ang boyfriend niya na tinawag pa siyang ‘My-Hal’.

“Happy birthday my-hal (winking face, heart emojis)” pasimpleng banat ni Ruru sa comments section.

Grabe, ha? Nakakamiss tuloy mainlove! Hindi man direktang magkapares ang dalawa sa isang proyekto, hindi naman maikakaila na may chemistry sila on-and-off camera.

Dati ay identified si Bianca bilang ka-loveteam ni Migue Tanfelix. Hiwalay na sila ng landas ngayon dahil gagawin na ni Miguel ang Voltes V: Legacy kung saan siya ang napili na gumanap bilang Pinoy Steve Armstrong. On the other hand, nagti-taping na si Bianca para sa ‘Legal Wives’ kung saan gaganap siya bilang isa sa tatlong asawa ni Dennis Trillo. Makikipagsabayan lang naman si Bianca sa patalbugan kina Alice Dixon at Andrea Torres. Bongga, ‘diba?

Si Ruru Madrid naman ang gaganap na Lolong at nakatakdang ipares kay Shaira Diaz. Noon ay kilalang ka-loveteam ni Ruru sina Gabbi Garcia at Kylie Padilla.

Sa totoo lang, gusto namin makita sina Ruru at Bainca in a movie together. Baka naman puwede? Happy Birthday ulit sa’yo, Bianca Umali!