IN LOVE AT HINDI MAKA-MOVE ON: Kris Aquino, nagpapahabol kay QC Mayor Bistek

ADVERTISING

IN LOVE AT HINDI MAKA-MOVE ON: Kris Aquino, nagpapahabol kay QC Mayor Bistek

IN LOVE AT HINDI MAKA-MOVE ON: Kris Aquino, nagpapahabol kay QC Mayor Bistek
Kris Aquino and QC Mayor Herbert Bautista

PAG si Kris Aquino ang magsasalita, asahan mo pang-banner or istorya na hindi tatanggiha ng desk editor mo.

Kaya heto na naman si Tetay, tila ayaw bumitaw or mag-move-on sa “relasyon” nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa kanyang Instagram account sa isinasagawa niyang live Question and Answer with her followers na gusto makakuha ng direct answers and updates from their idol ay may nag-pop-up na tanong kay Tetay tungkol sa status nila ni Mayor Bistek.

Kasi naman during the grand presscon ng “I Love You Hater “ na bagong pelikula ng Queen of All Media, hindi talaga mawaglit na mabanggit si Mayor Bistek ni Kris.

ADVERTISING

Sa katunayan, nagpa-sexy pa nga siya on stage during the open forum na hinubad ang suot na mamahaling blazer para “takawin at inggitin” si Mayor sa kaseksihan niya ngayon na nagbitaw ito ng linya na: “Hashtag mayor, this is what you’re missing”.

Ang tanong ng faney ay kung may chance na magkakabalikan silang dalawa?

Walang paligoy-ligoy ay sinagot ni Kris ng diretsahan na wala naman itong babalikan dahil wala naman to that effect. Pero kung magkakaroon ng pagkakataon na makilala niya muli si Mayor Bistek at magsisimula muli sa pagkakataong ito ay “Yes!”

Say pa ni Tetay: “I’ll be perfectly honest, the mayor, si Mayor HB. Nasabi ko na kaya kong i-give up ang pagiging Kris Aquino para sa ’yo and yet kulang pa rin yan para sa ‘yo.”

Kawawa naman si Kris. Her money can’t buy real happiness.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING