In her constant silence, Claudine Barretto is being pressed on ‘rehab issue’

ADVERTISING

In her constant silence, Claudine Barretto is being pressed on ‘rehab issue’

In her constant silence, Claudine Barretto is being pressed on ‘rehab issue’NANG HULI NAMING makaharap kamakailan si Sarah Geronimo sa bakuran ng ABS-CBN, cool na cool lang siya kung hitsura ang pagmamasdan. Bukod kasi sa kumita ang huli niyang pelikula sa Star Cinema na pinagtambalan nila ni Gerald Anderson, napapatunayan din naman na okey na silang dalawa ni Cristine Reyes, lalo pa’t ang sister ni Ara Mina ay talagang nakikiusap na rin at hinaharangan ang intensiyon ng mga intrigero na pag-awayin pa sila nang dahil kay Rayver Cruz.

ADVERTISING

Malungkot lang si Sarah kung bakit mayroong kumakalat na tsikang ilalaglag na siya ng ABS-CBN at ng Star Cinema.  Maging ang Kapamilya Network, kinokontra rin ang kumakalat na mapanirang balita tungkol sa relasyon nila ng singer-actress. Sa kabila ng mga ganitong tsismis, hindi naman nawawala sa mga pananalita ng anak ni Mommy Divine Geronimo ang pagtanaw ng utang na loob sa naging pagtitiwala rin sa kanya ng Dos, kung saan nakagawa siya ng ilang teleserye at ilang pelikula na tumipak din sa takilya, kaya nga siya nakoronahang Box-Office Queen, ‘di ba?

Nagpapatuloy pa rin naman ang tsismis sa ngayon. Para raw mayroon lang nagtatakip sa tunay na isyu. Parang hindi pa raw ito ang tamang panahon para mapatunayan ang totoo. Alangan namang aminin ni Sarah na hindi na interesado sa kanya ang ABS, ‘di ba? Lalo namang hindi sasang-ayunan ng mga taga-Dos ang tsikang ilalaglag na nila ang Pop Princess.

Lalabas din naman ang katotohanan, kaya maghintay lang tayo ng mga dalawang buwan. Lalo pa’t may tsismis din, na interesado ang TV5 sa mabait na singer.

ADVERTISING

 

HINDI NA TALAGA nakagaganda para kay Claudine Barretto ang sobra niyang pananahimik sa maraming isyu tungkol sa kanyang personal na buhay. Habang hindi siya nagsasalita, kung anu-anong mapanirang tsismis ang kumakalat tungkol sa kanya. Pagkatapos mapabulaanan ang intrigang hiwalay na silang dalawa ng kanyang husband na si Raymart Santiago, hindi pa rin siya tinatantanan ng kanyang mga kakontra. Nasa rehab naman daw siya ngayon!

Ilang beses na ring natsismis si Claudine na na-rehab, pero kahit hindi siya nagsasalita, napapatunayan naman na wala iyong katotohanan. Itong huling tsismis na nasa rehab na raw siya, may halong paninira talaga. Kasi nga, nu’ng burol ng yumaong aktor na si AJ Perez, namataan si Claudine at nainterbyu pa siya, at ang ganda-ganda niya na wala talaga sa hitsura na mayroon siyang problema. Ayaw lang ding pag-usapan, pero namamataan din lagi na magkasamang namamasyal sina Claudine at Gretchen Barretto.

Pero sa mga pang-iintriga kay Claudine na pinagtitiisan niya at dinadaan na lang sa puro iwas, mayroong mga taong nagtatanggol para sa kanya. Nagpaparamdam na naman si Gretchen sa showbiz, dahil magsisimula na siya ng bagong teleserye. Kapag napikon si Gretchen sa mga nang-iintriga sa kapatid niya, asahang hindi niya pakakawalan ang pagkakataon na maipagtanggol ang wife ni Raymart sa kung anu-anong naglalabasang tsismis. Tagapagtanggol ni Claudine si Gretch kapag bati-bati sila, at kampi-kampi silang magkakapatid laban sa mga kakontra nila.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING