Imbiyerna sa madir ng young singer actress: komedyante, plastik na plastik ang ginawang interbyu!

MAY KAPLASTIKAN ang komedyanteng ito.

A few years ago kasi ay imbiyernang-imbiyerna siya sa madir ng isang young singer actress dahil ginising ba naman siya sa kanyang pagtulog para lang itanong kung napasama sa mga bagahe niya ang nawawalang imported na damit ng singer.

The comedienne was roused from her sleep at talagang hindi niya nagustuhan ang inasal ng madir ng young star.

Maging ang male singer na nakasama ng female singer sa isang talent show ay kinatok din ng madir para itanong kung naroroon ang hinahanap niyang nawawalang damit ng kanyang anakis.

Siyempre, naloka ang male singer. Ano nga naman ang gagawin niya sa pambabaeng damit, eh, lalaking-lalaki siya.

Now, ang komedyante pa ang nag-interview sa madir at fadir ng singer nang maging guest ito sa show ng hitad.

Any which way we look at it ay isa itong malaking kaplastikan.

(By Alex Brosas)