Image model ng New Placenta For Men, lalaban sa Mr. World 2016

ADVERTISING

Image model ng New Placenta For Men, lalaban sa Mr. World 2016

Fernando Alvarez
Fernando Alvarez

Ang image model ng New Placenta For Men na si Fernando Alvarez ang kandidato ng Puerto Rico sa taunang Mr. World, isa sa prestigious pageant para sa kalalakihan sa buong mundo.
Maaalalang naging kandidato rin si Fernando ng Misters International na ginanap dito sa Pilipinas, kung saan naging representative din siya ng kanyang bansa (Puerto Rico) at naging daan para mapansin ito
ng CEO/ President ng Psalmstre, Inc. na si Sir Jaime Acosta at kinuha siya para maging image model ng New Placenta for Men.
Suportado nga ni Sir Jaime ang paglaban ni Fernando sa Mr. World 2016 na gaganapin sa July 19 sa England. Samantalang si Sam Adjani naman ang representative ng Pilipinas sa Mr. World 2016.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING