Ilang celebrity na nagpa-drug test na, kabilang sa listahan ng party drug users at pushers

ADVERTISING

 alt=

Martin Diño
Martin Diño

Ibinunyag ni incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño sa isang press conference kahapon, September 24, na 50 celebrity ang sinasabing party drug user at 10 naman ang umano’y drug pusher.

ADVERTISING

Ayon sa ulat, kabilang sa listahang hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng ilang celebrity na nauna nang sumailalim sa drug test.

Sa ngayon, mainit na pinagtatalunan sa showbiz industry kung ilalabas o hindi ang nasabing listahan. Kabilang sina Vilma Santos at Robin Padilla sa mga naniniwala na mas makabubuting huwag nang isapubliko ang listahan.

Gayunman, nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte o ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang desisyon.

ADVERTISING

Samantala, kabilang sa mga celebrity na nabalitang nagpa-drug test at lumabas na negatibo sa illegal substance ay ang 40 Star Magic artists, kabilang sina Jake Cuenca at Enrique Gil, gayundin sina Luis Manzano, Patrick Garcia, Anne Curtis, James Reid, Claudine Barretto, Solenn Heussaff, at iba pa.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING