‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’, ‘The Signs’ at ‘Promises to Keep’ magpapakilig ngayong Oktubre

MARAMI ang natuwa sa pagsasanib puwersa ng Regal Entertainment Inc. at GMA Kapuso Network para gawin ang weekly show na ‘Regal Studio Presents‘. Positibo ang response ng mga viewers sa first three episodes this September, na nagkaroon ng premiere month with a Saturday night timeslot.

Simula ngayong October 3 ay every Sunday late afternoon na mapapanood ang mga fresh episodes ng ‘Regal Studio Presents’. Mababago na ang Sunday viewing habit ng mga Kapuso!

'Ikaw si Ako, Ako si Ikaw', 'The Signs' at 'Promises to Keep' magpapakilig ngayong Oktubre
Regal Studio Presents ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw’ (Shaira Diaz and Kokoy De Santos), The Signs (Bianca Umali) and Promises to Keep (Kelvin Miranda and Mikee Quintos)

Interesado na ba kayong malaman kung sinu-sino ang mga bida sa lineup ngayong Oktubre?

Ang ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw‘ ay pinagbibidahan nina Kokoy De Santos at Shaira Diaz. Kuwento ito nina Marco, isang playboy photographer at Janice, isang Nursing student na naging scammer. Isang gabi ay misteryosong nagkapalit sila ng katawan! Isang nakakaaliw na body switch with a mix of romance ito! Mapapanood ito this coming Sunday, October 3. Kasama rin sa kaguluhang ito sina Analyn Barro at Darwin Yu.

Mahilig ba kayo mag-ask kay Lord ng ‘signs’ para ma-meet mo ang iyong The One? Makakarelate ka kay Bianca Umali as Moira, isang modern woman na naniniwala pa rin sa mga signs pagdating sa kanyang lovelife. Tatlong lalaki ang prospects niya. Ang maganda sa episode na ito ay tatlong potential Kapuso leading men ang ipapares sa Legal Wives star. Makikilala natin sina Carlo San Juan, Prince Carlos, at Gab Moreno sa ‘The Signs‘. Sino kaya ang pinakabagay kay Bianca? Malalaman natin ‘yan sa October 10!

 

Miss mo na ba ang ‘The Lost Recipe’ lead stars na sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos? Magkaiba man ang mga proyekto nila ngayon sa GMA, napagbigyan ang kahilingan ng mga MiKel fans na muli silang pagsamahin sa ‘Promises to Keep‘, na tungkol sa childhood friends na may pangako sa isa’t isa noong sila’y mga bata pa. Ang puppy love story na ito will surely make your heart flutter sa October 17!

Tamang-tama ang timpla ng upcoming episodes ng Regal Studio Presents, ‘diba? Kung ang Saturdays ng GMA ay puno ng drama at patayan, ang Dear Uge at Regal Studio Presents naman ang magbibigay ng buhay, kilig at pag-asa sa mga viewers. Nood kayo!