IG post ni Bea Alonzo patama kina Gerald Anderson at Julia Barretto?

Leo Bukas

BINIGYAN ng kahulugan ng netizens ang latest post ni Bea Alonzo habang nasa farm siya sa Zambales na isa sa kanyag mga investments.

“I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!

IG post ni Bea Alonzo patama kina Gerald Anderson at Julia Barretto?
Bea Alonzo in her Zambales farm

“These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for,”  caption ni Bea sa kanyang ipinost na photo.

Sa kasunod niyang post na, “So, here’s to TIME! Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!” ay in-assume ng kanyang followers na para ito kina Gerald Anderson at Julia Barretto na umamin na sa kanilang relasyon.

Inakusahan din noon si Gerald ng ghosting kaya sila naghiwalay ni Bea.

Samantala, sa isang interbyu ay inamin ni Gerald na gustung-gusto na niyang magsalita noon tungkol sa ghosting isyu.

IG post ni Bea Alonzo patama kina Gerald Anderson at Julia Barretto?
Bea Alonzo and Gerald Anderson

“Sobra,  but I will never. Parang throw someone under the bus para lang linisin ang pangalan ko, lalo na po yung tao na I’ve had intimate moments with and I’ve had happy moments,” aniya.

“I’m not gonna say to you na wala akong mali, no. I know. Pero kailangan umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?” pahayag pa ng aktor.