IG-OFFICIAL NA: Nadine Lustre, ipinakilala na si Christophe Bariou

MAGANDA ang bungad ng 2022 para sa mga tunay na nagmamahal kay Nadine Lustre dahil for the first time ay nagpost na ito ng couple photo nila ng kanyang non-showbiz rumored boyfriend na si Christophe Bariou.

In a way, kahit na hindi man nakasaad sa caption na sila na ay indirect confirmation na rin ito ng kanilang espesyal na relasyon.

IG-OFFICIAL NA: Nadine Lustre, ipinakilala na si Christophe Bariou
Nadine Lustre with Christophe Bariou

Matagal-tagal na rin ang balitang nadedebelop na diumano si Nadine sa isang good-looking French businessman na based sa Siargao. Marami-rami na rin ang sightings ng dalawa at ang binata diumano ang dahilan kung bakit naging Siargao-based ang dalaga.

Kung tayo’y magbabalik-tanaw, tila naging okay sa personal life ni Nadine ang kanyang semi-break sa showbiz noong 2021 dahil namuhay ito ng normal sa Siargao, naging successful ang kanyang personal projects at naayos din ang gusot sa pagitan nila ng Viva Artists Agency. Sa katunayan, nalalapit na ang paglabas ng kanyang comeback film na ‘Greed’ kung saan si Diego Loyzaga ang kanyang kapareha.

Ang pinaka-ikinatuwa ng mga fans ni Nadine ay ang makitang kasundo ni Christophe Bariou ang pamilya ni Nadine. Ibig sabihin, all is well and balanced!

Kahit na naghiwalay na sila romantically ay nananatiling friends and professional sa isa’t isa sina James Reid at Nadine. Mas mabuti na rin siguro ito para mag-move on na ang lahat ng nakapaligid sa kanila without compromising their professional relationship as workmates.

Previous articleShaina Magdayao nagpositibo sa Covid-19; shares her isolation journey
Next articleHINDI KINAYA ANG LDR: Jose Sarasola at Maria Ozawa hiwalay na