Idol Philippines, nagkamali sa pagpili kay Moira para maging judge

ADVERTISING

Idol Philippines, nagkamali sa pagpili kay Moira para maging judge

Idol Philippines, nagkamali sa pagpili kay Moira para maging judge
Moira

SA 2ND WEEK ng Idol Philippines na singing contest ng Kapamilya Network,  pansin ko lang na laylay ang show kapag si Moira na ang nagbibigay ng kanyang opinyon sa contestant.

Sina Regine Velasquez at Vice Ganda, both are doing their jobs and the usual push at alam mo nagta-trabaho sila as judges ng program na may mapupulot ka sa kanilang mga puna at opinyon. 

Si James Reid oks na. Maganda naman ang mukha lalo na kapag naka-smile. Cute siya na pansahog pero itong si Moira, waley.

Hindi lang ako ang nakakapuna kundi ang mga social media followers ko sa Facebook, Twitter and Instagram (@rkvillacorta) dahil iisa ang opinyon namin na maging sila inaantok kapag si Moira na ang nagsasalita.

ADVERTISING

Sa katunayan, mas magaling pa sa kanya ang ex-girlfriend ni Charice Pempengco na si Alyssa Quijano sa interpretation niya ng isang Regine Velasquez classic na ‘Araw Gabi’ (tama ba ang title?). She sings better than Moira.

May boses si Alyssa. Hanga nga si Regine pero nganga naman for Moira. Mali ang pagkakasama niya sa show. Wala nga siya matinong opinyon. Dios ko dai, wala na ba pwede maging judge sa show na may Big K (karapatan)? Andyan naman si Zsa Zsa Padilla, Lani Misalucha, Yeng Constantino or Dulce at mga kaliga nila. Ayaw ko ng sipol lang at hangin ang maririnig ko. You don’t call this talent in singing na ganun-ganun na lang.

Sa ibang Idol shows sa ibang bansa, ang mga judges nila, alam mo may pinagmulan at maipagmamalaki mo at hindi kukuwestyunin ang pagkapili sa kanila para maging hurado.

Straight to the point, I never liked her talent. Period.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING