Ice Seguerra, tumulong para makapagsalba ng mga nasalanta

ADVERTISING

Ice Seguerra, tumulong para makapagsalba ng mga nasalanta

Ice Seguerra, tumulong para makapagsalba ng mga nasalanta
Ice Seguerra and Joma

SA KASAGSAGAN ng bagyo at habagat last Saturday ay sumama si Ice Seguerra sa nag-rescue nang umapaw ang Marikina River.        

Si Ice naman, maaasahan mo sa mga ganitong pagkakataon. Remember the Kidapawan issue noon na ang mga farmers ay pinagbabaril at marami ang mga pinaghuhuli at nakulong, isa ang singer kasama ang misis na si FDCP Chairperson Liza Dino sa sumaklolo at umayuda na nangalap ng tulong mula sa showbiz sa adbokasiya na ”Bigas Hindi Bala” na sinuportahan naman ng marami.

Noong Sabado, hindi inisip na delikado ang sitwasyon na isa si Ice sa sumugod sa disaster area para umayuda.

From a news report, more than 30 na mga kabataan ang nasalba nila sa kapahamakan.

ADVERTISING

Noong Wednesday ang simula ng Pista ng Pelikulang Pilipino on its 2nd year kung saan ang singer naman ang namuno para sa Sine Kabataan short film competition kung saan ipapalabas ang 8 short films na napili nila kasabay ng mga main feature films para sa all-Filipino movie festival sa buong bansa.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING