IC Mendoza, tagapagmana raw ng korona ni Boy Abunda

IC Mendoza, tagapagmana raw ng korona ni Boy Abunda

IC-MendozaFLATTERED DAW si IC Mendoza kapag may nagsasabi sa kanyang siya ang puwedeng maging successor ng napakabait, generous, at mahusay na host na si Kuya Boy Abunda pagdating sa pagiging talk show host.
Tsika nga ni IC, “Wow! Grabe, ang layu-layo pa! But, well… salamat naman dahil isa si Tito Boy sa mga pinakatinitingala ko sa mga hosts. And sana, kung suwertehin, kahit half ng galing niya ang mapunta sa akin, sobrang saya na ako.”
Seven years nang nagho-host ng talk show si IC at ngayon nga ay muli siyang sasabak sa pinakabagong talk show ng TV5, ang Showbiz Konek na Konek, na napapanood Monday-Friday, 11 am, kung saan makasasama nito sina Bianca King at MJ Marfori.
Bukod sa pagiging mahusay na host, busy rin ito bilang PR man ng prestigious beauty pageant, ang Miss Teen Earth & Little Miss Earth 2015 ng Dream Productions, kung saan ginanap last April 9 sa Grand Ballroom ng Ace Hotel & Suites sa United cor. Brixton Sts., Kapitolyo, Pasig City ang pagpapakilala sa 20 kalahok ng Miss Teen Earth at 20 kalahok ng Little Miss Earth.

John’s Point
by John Fontanilla