IC Mendoza, dapat matuto sa lolang si Inday Badiday at sa inang si Dolly Ann Carvajal!

ADVERTISING

IC Mendoza, dapat matuto sa lolang si Inday Badiday at sa inang si Dolly Ann Carvajal!

IC Mendoza, dapat matuto sa lolang si Inday Badiday at sa inang si Dolly Ann Carvajal!

ADVERTISING

 MABILIS NA NATAPOS ang intriga sa pagitan nina IC Mendoza at Candy Pangilinan, dahil pareho naman silang walang intensiyon na magtagal ang kanilang alitan. Ang Candy kasi, karakter talaga. Hayun, nang mahimasmasan ay nagpaabot na ng kanyang “sorry” sa kampo ni IC, kaya marami na rin ang naaliw sa magandang kaganapan. Pareho naman silang dalawa na mababait na tao, pero pareho rin silang mayroong mga ugali na dapat ayusin.

Masyado kasing madulas ang bibig ni Candy sa pagbibitiw ng mga salita, ke seryoso siya o nagbibiro lang. Kaya nga napapahamak din siya. Pero ang maganda lang sa ugali ni Candy, may sincerity naman siya kapag humingi na siya ng paumanhin, kesehodang agad-agad siya kung mag-sorry. Ito namang si IC, dapat pansinin ang kanyang pagiging TV host, dahil nagbabago na siya. Yumayabang na ang kanyang dating, na para bang lagi siyang nagpapa-impress kapag nasa harap siya ng kamera.

Kakaiba nga ang istilo ni IC sa pagho-host ng talk show kumpara sa kanyang namayapang Lola na si Ate Luds (Lourdes Carvajal) ganu’n din sa kanyang mommy na si Dolly Ann Carvajal. Kapag intriga ang putahe ng balita, wala talagang kapuso-puso ang dating ni IC, dahil parang trabaho lang ang dating noon sa kanya, para matapos ang raket at kumita.  Siguro, dahil bata pa siya, at mayroon pa siyang mga gusto at kailangang patunayan sa showbiz para magtagal siya at magmarka ang kanyang pangalan.

ADVERTISING

Iba na kasi ang panahon ngayon, sa panahon ni IC at sa panahon ni Ate Luds. Ang namayapa kasing Reyna ng Intriga, kung maghatag ng intriga ay hindi nakakainsulto. Kung live na kausap ang artistang iniintriga, mararamdaman mo ang intensiyon na kailangan din ng guest na maidepensa ang kanyang sarili, para maklaro at matapos ang isyu. Ganu’n din ang istilo nina Kuya Germs (German Moreno) at ng namayapang Kuya Ike Lozada. Maingat at may puso silang umatake ng intriga. Maging si Dolly Ann, may nakuha sa istilo ni Ate Luds, dahil naroon ang kanyang pag-iingat sa harap ng kamera kapag tumatalakay siya ng maintrigang paksa. Maramdaman din natin dapat ‘yan kay IC habang sumisikat siya.

 

MADULAS DIN ANG dila sa pananalita ng batang komedyanteng si Kiray Celis, at minsan bukod sa taklesa ay nagi-ging maldita tuloy ang dating ng kanyang mga binibitiwang salita. Kaya matuto rin siyang magtiis na maintriga, dahil nagsisimula na nga siyang intrigahin ngayon. Hayan na, dahil ginagawang katatawanan ang naging reaksiyon ni Piolo Pascual tungkol sa closeness nina Kiray at ng kanyang binatilyong anak na si Iñigo.

In fairness kay Piolo, ang edad lang naman ni Iñigo ang ipinupunto niya. Na sa panahong ito raw ay napakabata pa ng kanyang anak para magkaroon ng girlfriend. In fairness din naman kay Kiray, wala pa naman siyang sinasabi na nasa ligawan na silang dalawa, kundi close pa lang daw silang dalawa sa ngayon. Marami lang talaga ang naintriga, dahil hindi pa nga masyadong lumalantad si Iñigo, pero hayun at naiintriga na sa paglabas-labas niya sa gabi, dahil sa closeness nila ni Kiray.

Si Kiray rin naman, ginagawang katatawanan ang kanyang sarili, lalo na sa kakulangan sa byuti. Tanggap niya iyon. Kaya deadma lang siya sa intrigang parang naaasiwa sa hitsura niya si Piolo para sa guwapo niyang anak.

Teka lang din…. Kung nagkaisyu tungkol sa pagtanggi ni Piolo para magkaroon na ng girlfriend ang kanyang anak, at nasapol ang byuti ni Kiray, ito rin namang si Kiray ay mayroong ‘di nakakaaliw na binitiwang salita patungkol kay Piolo, na ikinumpara pa kay Sam Milby. Ang sabi ng batang komedyana: Unang kita pa lang daw niya kay Sam ay kinilig na siya at malakas ang dating ng sex appeal ni Papa Sam. Pero kay Piolo raw, wala siyang naramdaman.

Hala ka ngayon, Kiray!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING