Iba ka Spotify, ‘di na ma-reach!

ADVERTISING

Iba ka Spotify, ‘di na ma-reach!

ANO KAYA ang mangyayari kapag walang musika? Maaaring mababaliw tayo sa katahimikan o ‘di kaya, magiging boring ang lahat. Pero ang panigurado riyan, kapag walang musika, walang buhay.

ADVERTISING

Ayon nga sa isang sikat na philosopher na si Friedrich Nietzche, kapag walang musika, ang buhay ay magiging sadyang kamalian.

Ang Spotify ay isang commercial-music streaming service, kung saan mayroon silang ino-offer na pagkarami-raming kanta na puwedeng pagpilian para mapakinggan.

Lahat ng genre mayroon ang Spotify. Kabilang sa mga ito ay R&B, Pop, Pop Ballad, Pop Culture, Metallic Rock, Electronic Dance Music, Acoustic, Senti, Classical, Party, Mood, at maraming-marami pa.

ADVERTISING

Maging mga albums ng mga sikat na artists, local man o international. Maging indie pa nga, mayroon din. Mayroon pa nga silang kahit mga kantang sumikat noon, noon pa. Gumagawa rin sila ng mga iba’t ibang klase na playlist. Napakarami nito, kaya imposibleng wala kang magugustuhan kahit isa sa mga playlists na iyon.

Ang Spotify ay mayroong digital rights management-restricted content mula sa mga record labels gaya ng Sony, EMI, Warner Music Group, at Universal kaya ganito na lang ang laki ng database ng mga kanta na mayroon sila. Makasisiguro rin tayo na legal ito at pasok ang quality ng mga kanta na nais pakinggan.

Nai-launch ang Spotify noon pang taong 2008 ng Swedish startup Spotify AB. Pero nito lang taong 2012 ito naging sikat nang husto. Marahil ito ay sa kadahilanan na ang taong 2012 ay panahon ng pag-usbong ng mga smartphones.

Kaya kasabay ng pag-asenso ng teknolohiya sa bansa ay ang pagkakaroon ng Spotify ng milyun-milyong users. Akalain n’yo ba na mula sa sampung milyong users na mayroon ang Spotify noong Setyembre taong 2010, dumoble pa ito sa dalawampung milyon noong Disyembre ng 2012.

Simpleng-simple rin ang mga hakbang para sa paggamit ng Spotify. Kinakailangan mo lang naman ng smartphone at Internet na sigurado naman ako na mayroon na kayo. Tinatanong pa ba ‘yan? Available naman ang Spotify sa Android, Blackberry, Boxee, iOS, Linux, Meego, Windows Phone at maraming-marami pang iba. Kapag na-download mo naman na ang Spotify, magiging madali na ang lahat para sa iyo dahil sa mga user-friendly na interface nito.

Ibang level na nga ang rurok ng tagumpay na narating ng Spotify. Taob na taob ang iTunes, FM stations, mp3, at iPod dito. Sinasama na rin nga ang Spotify sa mga Internet bundles ng iba’t ibang network service providers dito sa bansa gaya ng Globe. Sa mga cellphone plans din, isinasama na rin ang Spotify sa mga app options na pagpipilian mo. Patunay lang talaga ito na kay raming mga bagets na talaga ngang hook na hook na Spotify.

Hindi na rin bago sa atin ang Spotify Premium, kung saan walang ads ang makapagpipigil sa tuluy-tuloy mong pakikinig ng mga paborito mong kanta. Kahit may bayad ito monthly, hindi ito iniinda ng mga bagets dahil para sa kanila, sulit naman ang binabayad nila sa Spotify Premium. Mas makatitipid pa nga dahil kahit wala kang mobile data o Internet, makapakikinig ka pa rin sa Spotify.

Kudos Spotify! ‘Di ka na talaga ma-reach sa kasikatan!

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

ADVERTISING