Ian Veneracion, peg ng mga kababaihan dahil sa pagiging ideal husband

ADVERTISING

Ian Veneracion, peg ng mga kababaihan dahil sa pagiging ideal husband

Ian Veneracion, peg ng mga kababaihan dahil sa pagiging ideal husband
Ian Veneracion with ‘A Love to Last’ leading ladies Iza Calzado and Bea Alonzo

“IDEAL HUSBAND” ang tawag ng marami kay Ian Veneracion na bida ng seryeng A Love To Last kasama sina Bea Alonzo at Iza Calado na mag-i-end na on Friday (Sept. 22). Maraming babae na si Ian ang peg na mapangasawa.

Bukod kasi super gwapo ang aktor, buong-buo din niyang iniintriga sa asawang si Pam Gallard ang kanyang kinikita sa showbiz.

“Ako, I’ve always wanted na whatever income na I have in showbiz ilalagay ko sa negosyo. Whatever I have, my money is her money, ini-invest ko. Diretso kaagad sa kanya,” kuwento ni Ian.

Dagdag pa niya, “Kaya wala akong budget pang-kabit (mistress), ganyan. Wala, walang budget sa ganun. Sa akin, gusto ko she manages my finances talaga.”

ADVERTISING

Humihingi din lang daw siya ng allowance sa kanyang wife.

“Hindi kasi ako nagpupunta sa bangko. Ayoko ng nag-i-ATM. Tamad akong mag-ATM, eh. Magpa-park ka, magwi-withdraw ka tapos kailangan mo pang makipag-picture, really, honestly.

 “Di ba there’s a time for everything and usually withdrawing is not a time for picture taking. I enjoyed that pag may mga okasyon na ganyan – mall show, presscon – there’s a time for everything,” natatawa niyang kuwento.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING