Ian Veneracion at Richard Yap, ‘di magiging problema ang anak na bakla

ADVERTISING

Ian Veneracion at Richard Yap, 'di magiging problema ang anak na bakla

Ian Veneracion & Richard Yap
Ian Veneracion & Richard Yap

Nagimbal ang buong mundo sa nangyaring “hate crime” incident kamakailan sa Orlando, Florida sa isang gay dance club, kung saan ang daming namatay.

Nalungkot ang marami, maging ang LGBT community worldwide ay nakiramay. Marami ang natakot.

Tawag ng ilan, “barbaric” ang ginawang pamamaril sa mga kapatid nating mga beki na wala namang kasalanan at nagkakasiyahan lang.

Biktima sila ng isang tao na namumuhi sa mga LGBT kaya nangyari ang kaharasan.

ADVERTISING

Sa TV promo guesting nina Ian Veneracion at Richard Yap sa “Gandang Gabi Vice” last Sunday para sa pelikulang nilang “Achy Breaky Heart” ng Star Cinema with Jodi Sta. Maria na showing na sa June 29, maraming mga LGBT sa bansa ang humanga sa sagot ng dalawa nang tanungin ng Unkabogable Star kung ano ang magiging reaksyon nila in case na magkaroon sila ng anak na beki.

Sagot ni Ian Veneracion ay mamahalin niya ang kanyang anak kahit ano man ang choice niya.

“As long he will be a responsible son, wala magiging problema,” sabi ni Tisoy.

“Kung sakaling mahilig siya sa fashion design, papag-aralin ko siya sa best fashion school,” pahayag pa nito, kung saan napahanga ang komedyante sa kanyang sagot.

“Siyempre, bata pa lang ‘yan mahal mo na ‘yan. Hindi pa naman alam kung ano siya sa paglaki, pero mas lalo mo siyang minamahal. So kung maging ano man, kahit pa, mahal ko pa rin siya at susuportahan ko. Anak ko ‘yan, eh,” sabi naman ng Tsinoy na si Richard.

Sa makabagong mundo natin, ang mga straight na tulad nina Ian at Richard Yap ay naiintindihan na ang sitwasyon ng mga beki. Hindi na sila makikitid para isawalang-bahala ang LGBT concerns.

Kaya si Vice na isa sa mga supporter ng LGBT advocacies, hanga sa stand ng dalawang macho.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING