‘I was betrayed!’: Carla Abellana, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez

SA WAKAS ay nagsalita na rin si Carla Abellana patungkol sa nakakabigla at nakakalungkot na hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

Tila na-trigger si Carla Abellana na sagutin ang isang basher nang i-like ng aktres ang post ni Ai Ai Delas Alas tungkol sa cheating sa Instagram account nito. Dahil dito, isang netizen ang nagkomento sa YouTube channel ni Carla Abellana at nagbigay ng solicited advice sa hurting actress.

'I was betrayed!': Carla Abellana, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez
Carla Abellana and Tom Rodriguez

Payo ng fan kay Carla,  “Kung gusto mong maging masaya ka, mag-usap kayong mag-asawa, sabihin mo sa kanya lahat ng hinanakit mo. Hindi ‘yung dine-deadma mo siya.”

Dahil sa komento ng fan ay tila sumabog na si Carla at sinagot ang tagahanga ng mahaba-habang mensahe matapos hindi magsalita patungkol sa isyu noong mga nakaraang buwan.

Narito ang buong pahayag ni Carla Abellana:

“Opo, nag-like po ako, pero ‘yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po ‘yun inulit. Nag-like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.

I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang dun lang po, makakabangon din po ako balang araw.

Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.

'I was betrayed!': Carla Abellana, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Tom Rodriguez
Tom Rodriguez and Carla Abellana

Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pagprotekta, lahat-lahat na.

Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat ‘yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po. Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot, at magpagaling dahil ‘yun din po ang gumana sa akin. Pero wala pa rin po.

Tinanggap ko pa rin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.

Sa dami po ng binigay ko kay Tom, wala na pong natira sa ‘kin. Galit, pride, at ego ko, siya na rin po ang kumuha sa ‘kin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin, wala pa po ‘yung pag-like sa iilang comments na ‘yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.

Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw.

Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig, at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig, at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka-record. Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig, at nakikita po ninyo online, sa TV, etc… Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”

Ang dasal namin ay complete healing para kina Carla at Tom…

Previous article5 Things to Do in Baguio City
Next articleNora Aunor, nagpasalamat sa mga taong ipinaglaban siya para maging National Artist