‘I Love You Hater director Giselle Andres, naiba ang impresyon kay Kris mula nung makatrabaho

ADVERTISING

‘I Love You Hater director Giselle Andres, naiba ang impresyon kay Kris mula nung makatrabaho

‘I Love You Hater director Giselle Andres, naiba ang impresyon kay Kris mula nung makatrabaho
Direk Giselle Andres with Kris Aquino and JoshLia

NAIBA ang tingin at impresyon ng baguhang direktor na si Giselle Andres kay Kris Aquino nang makatrabaho niya ito sa Star Cinema movie na I Love You, Hater.

ADVERTISING

 “Natakot ako nung simula. Nung sinabi na siya yung kukunin, ang tanong ko kaagad, ‘Papayag ba yon, eh, Kris Aquino siya, di ba? Tapos baguhan lang ako at hindi niya pa ako nakakatrabaho. So nung tinanggap niya itong pelikula nagulat talaga ako,” kuwento ng lady director.

Habang ginagawa raw nila ang I Love You, Hater ay napatunayan niya na magaang katrabaho si Kris. Nabago rin daw ang impresyon niya sa Queen of Online World.

“Nung sinabi niyang na-miss kong magpelikula, natuwa ako kasi parang feel na feel niya talaga na professional yung mga tao, kasi parang na-miss niya yung ang liliit na bagay.

ADVERTISING

“Na-miss niya yung nagma-marker, pailaw, may sukat, nakakatuwa. So, wala akong naging problema sa kanya. Nakakatuwa kasi hindi ko po akalain na madali siyang kausap.

“Akala ko kasi talaga parang ano siya, akala ko talaga mahirap, pero hindi pala.  Yon po, very happy ako na nakatrabaho ko siya and makikita n’yo naman po kung ano yung kinalabasan ng pagtatrabaho namin dito sa I Love You, Hater,” paliwanag pa niya.

All-praises din naman si Kris kung paano magtrabaho si Direk Giselle. Mabusisi daw ito at magaling.

Samantala, kasama ni Kris sa I Love You, Hater sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Palabas na ang pelikula sa July 11.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING