I LOVE YOU SO MUCH: Elisse Joson, iniyakan ang sweet birthday gesture ni McCoy de Leon

LOVE is lovelier and sweeter the second time around.

Ito mismo ang pinatunayan ng dating magkarelasyon na nagkabalikan muli na sina McCoy de Leon at Elisse Joson o McLisse sa recent birthday surprise ng binata para sa dalaga na talagang kinakiligan ng kanilang friends and followers.

I LOVE YOU SO MUCH: Elisse Joson, iniyakan ang sweet birthday gesture ni McCoy de Leon
Elisse Joson and McCoy de Leon

Pinost ni Elisse sa kanyang Instagram account ang isang 12 minute video na sorpresa sa kanya ng kanyang minamahal. Nag-umpisa ang video na hinaharana ni McCoy si Elisse, pero mas bongga at kilig to the bones ang simpleng paghayag nito ng pagmamahal.

“Hindi ko alam sasabihin ko. Kung ano na lang [yung] nasa loob ng puso ko, sasabihin ko ngayon. Ayan, nakita mo, marami kaming nagmamahal sa’yo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa’yo. ‘Yun lang. I love you so much. I love you. I love you…Ito muna yung gift ko ngayon. No posting. No showbiz. No surprise na hindi mo magugustuhan. Simpleng gift lang…I love you, I love you, I love you.

Ilan sa mga kaibigang artista na bumati ay sina Sue Ramirez, Enzo Pineda, Michelle Vito, Nikko Natividad, Javi Benitez, Alexa Ilacad at Sofia Andres. Nagpadala rin ng separate video greeting si Jane de Leon.

Narito naman ang mensaheng kalakip sa post ni Elisse:

“A happy birthday. I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy)

I LOVE YOU SO MUCH: Elisse Joson, iniyakan ang sweet birthday gesture ni McCoy de Leon
McCoy de Leon suprises Elisse Joson on her birthday

“Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo.”

Pinasalamatan ni Elisse ang lahat ng kanyang kaibigan pero s’yempre, may special message siya for McCoy!

“…and ofcourse to u, @mccoydeleon
Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together, and for making me the happiest today.” pagtatapos ng birthday girl.

Noong August 2020 nagparamdam sina McCoy de Leon at Elisse Joson na tila nagkabalikan na nga sila. Well, maybe they needed the time apart to realize how much they love and value each other, ‘diba? Stay in Love McLisse!