‘I CANNOT BELIEVE IT!’ Sharon Cuneta pumayag magpadirek kay Direk Darryl Yap sa ‘Revirginized’

Leo Bukas

HALATANG overwhelmed at hindi makapaniwala ang controversial director na si Darryl Yap nang humarap siya sa amin sa virtual story conference ng pelikulang Revirginized na pagbibidahan ni Megastar si Sharon Cuneta. Hindi niya raw akalain na susunggaban ni Sharon ang pelikula nung mag-pitch siya sa Viva Films kamakailan lang.

Sa mismong storycon/presscon din lang sila personal na nagkita ni Sharon kaya halata ang excitement sa kanya na nakaharap ang Megastar.

‘I CANNOT BELIEVE IT!’ Sharon Cuneta pumayag magpadirek kay Direk Darryl Yap sa ‘Revirginized’
Sharon Cuneta and Darryl Yap

“Ngayon lang kami nagkita, pero sa totoo lang po, sabi ko hindi ko alam kung anong gagawin ko… Ang nangyari was binigyan ako ng Zoom link ng mga bosses, hindi ko alam nandoon si Miss Sharon (sa virtual meeting).

“Sabi nila sa akin napa-aga yung pitching ko na dapat 7 p.m, pero naging  5 p.m. Unahin ko daw yung dalawang ipi-pitch ko. Nagulat po ako, sa isang tile ng Zoom, nandoon si Sharon Cuneta.

“Sabi ko, ‘P—a, ba’t nandito si Miss Sharon Cuneta?’ I was with cold feet nu’ng nag pitch ako,” kuwento ni Direk Darryl sa virtual storycon ng Revirginized.

Sa simula ay namroblema din daw kung paano sabihin kay Sharon ang magiging title ng pelikula.

“So, nu’ng sinabi ko po kay Mega,  sabi ko, hindi ko po alam kung papaano ko sasabihin yung title sa kanya. So, nu’ng sinabi ko na po  yung title, tumawa naman silang lahat, pero nu’ng tumawa sila mas kinabahan ako, eh.

“Para po yatang hindi nila naiintindihan yung gagawin. Nu’ng sinabi ko po yung MILF, ang tumawa lang was Shawie, some of her team, tapos po sila Boss Vic, tahimik lang sila. Sabi ko, ‘Boss Vic, alam ninyo ba yung MILF?’ Pinaliwanag ko po,” kuwento ulit ni Direk Darryl.

MILF is an acronym that stands for Mom I’d Like to F__k  which is often said by a young man to  sexually attractive older woman.

Dagdag pa ng director, “So, I told Shawie if we will continue this, if we will have this as a project, then she has to work with my formula. Of course, with a little collaboration because her experience — with her power, of course, I can also learn.”

‘I CANNOT BELIEVE IT!’ Sharon Cuneta pumayag magpadirek kay Direk Darryl Yap sa ‘Revirginized’
Sharon Cuneta and Darryl Yap

Mula sa MILF ay ginawang Revirginized ang title ng comeback movie ni Sharon sa Viva.

After ng virtual pitching niya sa Viva ay naging magka-text na raw sila ni Sharon, ani Direk Darryl.

“I cannot believe it, si Sharon Cuneta nag-a-iMessage sa akin. Hindi po ako makapaniwala na si Miss Sharon Cuneta gagawan ko ng pelikula at ka-text ko. Ako po ganu’n ang level ko ngayon, eh. So, hindi pa po ninyo ako makukuhanan ng ibang reaction kasi  pa-fan-fan  pa ako sa ngayon,” sobrang saya niyang reaksyon.