Hwang In Youp, thankful sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa kanya

DUMATING sa bansa ang fast-rising K-drama actor na si Hwang In Youp nitong Hunyo para sa kanyang highly anticipated first fanmeeting with his Filipino fans. Dumami ang fans ng Korean actor dahil sa kanyang pagganap bilang Seo Jun sa 2020 K-Drama na ‘True Beauty’.

Dahil sa kanyang popularidad, isang sikat na cosmetic brand ang kumuha sa kanya bilang celebrity endorser sa Pilipinas. Lalong natuwa ang Pinoy fans sa kanya nang kumpirmahin niya na nag-high school siya sa Davao City!

Hwang In Youp, thankful sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa kanya
Hwang In Youp

Lubos ang pasasalamat ng binata sa mga tagahanga na sumalubong sa kanya sa airport.

“It must have been hard and tiring for you who came to the airport late yesterday, but thank you so much for welcoming us so warmly,” sambit nito patungkol sa kanyang mga fans.

Ilan sa mga nakakatuwang rebelasyon sa kanyang press conference ay ang pagkamiss niya sa Pinya ng Pilipinas. Madalas din siyang kumain ng Kwek-Kwek noong siya’y nag-aaral pa sa Davao. Naaalala din niya ang dalawang sikat na fast food chain ng bansa at kung maisisingit sana sa kanyang hectic schedule ay nais siya sanang bumisita sa Cebu, Boracay at s’yempre, Davao City.

Maiksi man ang pagdalaw ng binata sa bansa ay kinagiliwan ito ng Pinoy fans. Sana ay makabalik ito sa bansa as soon as possible and who knows, maybe he can shoot a series or film here, ‘diba?

Kasalukuyang napapanood si Hwang In Youp sa K-Drama na ‘Why Her?’ na mapapanood sa VIU.

Previous articleVice Ganda, Anne Curtis at Sarah Geronimo balik-eksena sa pelikula
Next articleRyza Cenon, may payo tungkol sa mga ina tungkol mga tantrums ng mga bata