Hunk personality, ‘humahada’ ng bading basta mayaman?!

ADVERTISING

SINO ANG HUNK personality na ‘to na totoo ba ‘to? Aba’y kahit kami’y nanginig ang laman nang malaman naming “humahada” ng bading basta mayaman.
Totoo ba ‘to?
Parang walang-wala naman sa hitsura niya, ah?
‘Eto na ang siste: naimbiyerna sa kanya ang isang non-showbiz dyowa ng rich gay, dahil ito ang original, pero hindi na masyadong tinatawagan ng bading.
‘Yun pala, nag-enjoy na ang pahadang rich gay sa hunk personality, dahil ang galing daw paligayahin ang bading. “Talagang ginagawa niyang babae ang bading.
“Kaya itong bading naman, para nang nabubuwang ‘pag lumiliyad-liyad na sa kama, dahil sobrang mamamatay siya sa galing ng hunk.
“Kaya nga irita talaga ‘yung non-showbiz dyowa ng bading, dahil ngayon, deadma na siya sa bading.”
Sinawaan na ng bading ang dating dyowa, naghanap ng bagong putahe, nagustuhan, naadik. Ayun, para siyang biniling balloon sa kalye at pinakawalan lang sa ere.
La Vida Lokah talaga!

(By Ogie Diaz )

ADVERTISING
ADVERTISING