Hunk actor na pinasisikat uli, wala na raw paki sa pamilya?!

 

PITIK-BULAG! SINO itong hunk actor na pinasikat na naman muli ng isang station at pinabalik dito sa Pilipinas dahil bongga ang offer sa kanya?

Kaya lang, ang nakakaloka dito, nakakawa naman ang pamilya niya roon sa ibang bansa, at talagang sinasabi niya pa noon na mahal na mahal niya ang pamilya niya. Kaya lang ngayon, dahil malaki ang offer, pagtapak na pagtapak niya dito sa Pilipinas, chinika na niya na wala na raw sila ng asawa niya at nagkakalabuan na raw.

Naku, ha?! Hindi magandang pangitain ‘yan!! Kaloka! Haha!

(By Tita Swarding)