Hunk actor, kinabiliban noon ng ex-dyowa sa pagiging ‘pintor’

BLIND ITEM: Isa sa mga preoccupation ng aktres na ito ang pagpinta. Sa katunayan, noong karelasyon niya ang isang hunk actor ay binigyan niya ito ng about a dozen or more paintings wih her signature. Such works of art proudly hung on the actor’s wall sa kanyang tahanan.

Kaso, nagkahiwalay rin sila. The actor carried on a relationship with an actress na nakarelasyon niya ng maraming taon.

Pero hindi ito ang catch sa kuwentong ito.

Nang makarelasyon na kasi ng aktor ang sumunod na aktres, namangha ito sa mga naggagandahang painting na nakasabit sa dingding ng bahay ng kanyang nobyo.

Lalo pang bumilib ang aktres sa kanyang dyowa nang mapansin niyang may itinatago pala itong galing sa pagpinta. Ang pangalan na kasi ng aktor ang nakasulat sa mga painting na ‘yon, completely erasing the name of his ex-painter-girlfriend.

Da who ang aktor na pintor-pintoran? Itago na lang natin siya sa alyas na Erik Shamcey. At ang magkasunod niyang naging dyowa ay pangalanan na lang nating Selene Usap at Angelina Pangilinan.

By Ronnie Carrasco

Previous articleSiningil nang Mahal, Sinampal at Iniwan sa Ere!
Next articleEngagement ring ni Marian Rivera, ‘di bababa sa P3-M ang halaga

No posts to display