Hunk Actor, ‘di nanalamin bago magpa-interview; kulangot sa ilong halos kumawala na!

KINSA SIYA? Sino itong actor na lagi na lang natsi-tsimis na dominador (read: madumi)? Nangyari lamang ito kamakailan lamang sa isang popular filmfest na halos on going pa sa ngayon.

Kuwento ng aming source, nagkakagulo silang makakuha ng interview mula sa isang sikat na hunk actor dahil sa sikip ng lugar na kinaroroonan nito. At nang makaharap na ng aming source ang actor ay nadismaya ito. Isang kulangot ang bumungad sa kanya na halos hindi na niya napansin ang kaguwapuhan ng ini-interview.

Naloka raw ang aming source at hindi na nakapagtanong dahil natakot daw itong baka tuluyan nang mahulog ang letter K mula sa ilong nito.

Hay, ikaw talaga, hunk actor. ‘Di ka muna nanalamin bago magpa-interview, baka iwan ka na nila. ‘Yun na!

(By Arniel Serato)