Hunk actor at young sexy actress, nakitang naglalaplapan sa elevator ng condo!

 

ISANG RELIABLE SOURCE ang nagkuwento sa akin na kahit i-deny nina Hunk Actor at Sexy Young Actress na may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila, mismong mga tao sa tinitirhan nilang condo unit somewhere in Mandaluyong ang nagpapatotoo na mukhang nauwi na sa totohanan ang lahat.

Ayon sa aming source, nakasabay nila sa elevator ang hunk actor at sexy young actress, alas-singko ng umaga na sweet na sweet at naghahalikan. Mukhang nanggaling daw sa gimik dahil kilala na parehong mahilig sa gimikan ang dalawang ito. Hindi nga lang daw klaro kung tutuloy ang dalawa sa unit ni sexy young actress or sa unit ni hunk actor dahil nasa iisang condo unit sila, magkaiba nga lang ng cluster.

Wala naman kaming nakikitang masama sa ginagawa ng dalawa dahil ilang buwan nang break si hunk actor sa kanyang wholesome image na girlfriend na sobrang nasaktan sa paghihiwalay nila. Si sexy young actress naman, kumpirmadong break na rin sa kanyang kontrobersyal na politician boyfriend.

Kumbaga, pareho na silang walang natatapakan dahil pareho naman silang malaya. Ang ‘di lang siguro maganda ay pareho pa nilang dine-deny na wala silang relasyon, pero marami ang nakakakita sa kanila sa ganitong mga tagpo. Gaya nga ng kasabihan sa showbizness, lalabas at lalabas din ang katotohanan, itago man ito at ipagkaila.

(By Melba Llanera)