HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR!

ADVERTISING

HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR!BLIND ITEM: USAP-USAPAN lately ang tungkol sa isang aktres at isang hunk actor na umano’y nakitang magka-date kamakailan sa isang sosyal na bar sa Makati. Intriguing na magkasama ang dalawa since hindi pa naman sila nagkakapareha sa anumang proyekto. At hindi rin naman sila nali-link o identified na close sa isa’t isa.

Pero ang higit na nakakaintriga ay ang pangyayaring nagkulong daw ang dalawa sa restroom ng nasabing bar nang halos dalawang oras. Obviuosly, may milagro si-gurong ginawa ang mga ito dahil bakit gano’n sila katagal sa loob ng CR?

ADVERTISING

Marami ang nagtataka kung bakit parang nagwawala na raw ngayon ang aktres. May kinalaman daw kaya rito ang isyung on the rocks na ngayon ang pagsasama nila ng kanyang karelasyon?

Hindi pa man kasi humuhupa ang tungkol sa balitang nakunan umano ng CCTV camera ang aktres sa isang establishment na lasing na lasing daw habang naglalakad na kaakbay umano ang non-showbiz guy na nali-link din sa kanya, heto’t isang kilalang hunk actor naman ang sinasabing ka-date niya kamakailan.

Sino ang hunk actor na ito? Pantasya siya hindi lang ng mga kababaihan kundi maging ng mga matrona at bading. Bukod kasi sa guwapo niyang mukha, maganda talaga ang bulto ng kanyang katawan, maputi at flawless ang kanyang kutis. May image itong hindi nagsiseryoso sa relasyon at mahilig lang makipag-fling.

ADVERTISING

Ang aktres naman, kung panonoorin mo sa mga proyektong nilalabasan niya, napaka-wholesome at respetado ang image. Kaya nga nakapagtataka talaga kung bakit sa mga balitang naglalabasan ngayon about her ay nagpapaka-wild o nagwawala na siya.

Ayaw na ayaw pa mandin niya sa mga hindi marunong maglinis ng kalat. Pero bakit ngayon ay parang siya naman ang nagkakalat?

‘Yun na!

HINDI MASABI NI Alice Dixson kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz niya. Nandito lang daw siya sa Pilipinas for a few months vacation. At tiyempong inalok siya ng TV5 para sa isang magandang role sa Babaeng Hampaslupa na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga, na nagustuhan naman daw niya.

Hindi naman daw nanibago si Alice kahit matagal siyang hindi nakaarte sa harap ng camera. Malaking advantage din daw na kaibigan niya ang direktor nila rito na si Eric Quizon para maging at ease siya sa set. Masarap din umanong katrabaho ang iba pang mga artistang nasa cast.

Kung tutuusin, hindi na kailangang magtrabaho ni Alice dahil stable naman ang buhay niya with her husband na isang matagumpay na negosyante sa Canada. Pero nami-miss umano niya ang pag-arte. Nami-miss din daw niya ang mga kaibigan niya rito sa Pilipinas.

Aware si Alice na sa muling pagiging aktibo niya sa pag-arte ay may mga nag-iisip na baka may problema sila ngayon ng asawa niya o baka hiwalay na sila. Pero hindi umano siya nababahala dahil ang totoo ay okey naman daw ang pagsasama nila.

Matatandaang si Alice ang gumanap na ‘Jessica Alfaro’ nang isapelikula ng Viva Films ang istorya ng naging star witness noon na nagdiin kay Hubert Webb at iba pang kasamahan na siyang mga salarin sa likod ng Vizconde Massacre. Natanong tuloy namin siya how she felt nang mabalitaang na-acquit ang mga ito.

“Parang long time coming ‘yung decision na ‘yon,” aniya. “And, ang masasabi ko, artista lang po ako na gumanap do’n sa movie about Jessica,” napabungisngis niyang dugtong.

“Wala po akong kinalaman sa naging decision or anything about the case. Nasubaybayan ko lang ‘yung itinakbo ng case. So, whatever will be will be, eh.”

Ikinagulat ba niya ang naging desisyon ng korte sa kaso?

“Maraming bagay ang nangyari ngayon na parang hindi na dapat ikagulat. Parang things just happened that way.”

Balitang may mga producers na interesadong isapelikula ngayon ang kuwento ni Hubert. Kabilang na nga rito si Carlo Caparas na siyang direktor at producer noon ng pelikulang Vizconde Massacre na pinagbidahan ni Kris Aquino. If ever she will be offered to portray the role of Jessica Alfaro again sa pelikula about Hubert’s story, tatanggapin kaya niya?

“I hope wala silang problema sa akin. I mean, sa akin was trabaho lang po ‘yon. ‘Yon ang pahayag ni Jessica at sinunod lang po namin ‘yung kanyang kuwento at saka lifestory.

“So, if Hubert wanted me to portray her (Jessica), or the producers wants me to portray her again, I have no problem with that.”

Bongga nga siguro kung si Alice pa rin ang gaganap na jessica Alfaro if ever na matuloy ang pagsasapelikula ng istorya ni Hubert. Naman!

HUNK ACTOR AT WHOLESOME ACTRESS, ISANG ORAS NAGKULONG SA CR NG BAR!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING