Huling rampa na raw sa Bench show
Jake Cuenca, gagawin na ang lahat!

ADVERTISING

<b>Huling rampa na raw sa Bench show </b><br>Jake Cuenca, gagawin na ang lahat!

<b>Huling rampa na raw sa Bench show </b><br>Jake Cuenca, gagawin na ang lahat!USAP-USAPAN NA bago pa lang magsimula ang premiere night ng pelikulang ‘Guni-Guni’ noong Martes, August 21, 2012 na pinagbibidahan ni Lovi Poe na darating si Jake Cuenca para suportahan ang napapabalitang pinakamalapit sa puso ng dalaga sa ngayon.

Hindi naman binigo ni Jake Cuenca ang mga tagahanga ni Lovi dahil maaga pa lang ay dumating na ito sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Kuwento ni Jake sa amin, “Andito ako to support the movie, siyempre Lovi is a very good friend. Nakita ko ‘yung trailer ng Guni-guni, sobrang ganda, so I’m just her to support the movie.”

Inamin naman ni Jake na naipakilala niya na nga si Lovi sa kanyang mga magulang pero ‘informal’ meeting lang daw ‘yun. “Yeah nakilala na siya ng parents ko. Yeah informal meeting at least nakilala na siya. It was good. Siyempre my parents are excited to meet her as well, kasi nanood sila ng My Neighbors Wife, it was a long time ago, excited sila na kilala nila si Lovi.”

ADVERTISING

Inusisa na rin namin si Jake sa totoong estado ng relasyon nila ni Lovi, at kung bakit hindi niya na itinuloy ang panunuyo dito. “Ahm… siguro, oras, ‘di ba? I mean hindi birong gumawa ng dalawang teleserye, nang sabay sabay. Pero she’s a good friend, and I want to keep her as a friend. And she’s very special to me. And I wanna keep it that way.”

Wish naman daw ni Jake na makatrabaho ulit ang dalaga. “We’re really good friends and proud ako du’n sa aspetong ‘yun, and sana magkatrabaho kami very soon.”

Sa ngayon daw, hindi naman nagmamadali si Jake na makahanap ng karelasyon. In fact, more than one year na raw siyang single, pero priority raw muna niya ang trabaho.

Dagdag niya, “I’ve been single for like a year, isang taon na. Timely lang siguro kasi di ko rin, mahirap ring i-fullfil ‘yung schedule na maraming bagay na nasa utak mo. Timing lang, ‘di ba? Ako, nagpapasalamat na rin ako na dahil sa estado  ko ngayon, my shows are doing well. Pero hindi ko rin bina-block na magkaroon ng relationship with anyone. Kasi  siyempre masarap naman talagang magka-girlfriend, eh. But sana in the near future mangyayari ‘yun.”

Sa September 1 na gaganapin ang ika-anim na Star Magic Ball. Ang event na ito ay ang taunang pagtitipon ng mga talents at artistang kabilang sa Star Magic Artists ng ABS-CBN.

Kinukunsidera kaya ni Jake na imbitahin si Lovi para maging partner sa red carpet ramp? “Yeah, pero aalis ‘ata siya eh, she’s going to Japan. It would have been good to bring Lovi to the ball. Wala eh, ganu’n, busy and naintindihan ko naman ‘yun. Works come first.”

So, sino kaya ang makaka-date niya sa Star Magic Ball 2012? “I’m going solo this year. Siyempre, I don’t want to be unfair to any of my leading ladies. Medyo mahirap, pero ayoko nga naman na maging unfair to anyone. I  think this year I’m gonna ride solo, but then looking forward to seeing all my friends, my co-workers masaya na lang. But more or less, I think I gonna go solo this year.”

Pagkatapos ng Star Magic Ball, isa pang event ang inaabangan ng karamihan, ang pag-rampa ng mga celebrities suot ang mga pamosong collection ng Bench. Hindi ito taunang isinasagawa ng nasabing clothing brand kaya naman, marami talaga ang gustong makapanood sa naturang fashion show.

Isa si Jake sa inaabangan dahil sa kanyang pagpapakita ng katawan at ‘behind’ at sa taong ito kaya, anong eksena naman kaya ang kanyang gagawin? “Let’s see, kasi this might be my last. Siyempre, ilang beses ko nang nagawa, and ‘di ba parang ayaw ko namang magsawa ang tao sa akin. So, this might be my last. So, I want to ramp with a big bang. Antayin n’yo na lang September 13 and 14.”

May ipapakita kaya siyang ‘kakaiba’? “Tingnan n’yo na lang, I want to consider that this will be my last one so expect the unexpected.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING