Huling-huli! Maja Salvador at Zanjoe Marudo, may ‘something’ na?

ADVERTISING

Huling-huli! Maja Salvador at Zanjoe Marudo, may ‘something’ na?

Huling-huli! Maja Salvador at Zanjoe Marudo, may ‘something’ na?TWEET NI DJ Mo Twister: “Looking at a Chowking Billboard with Kim Chiu on it. Does she even know what food is? Or what it is to chew, Ms. Chiu?”

Sa twitterworld kasi, kahit ano, puwede mong sabihin. Basta kaya mo lang panindigan. Ito’y opinyon ni DJ Mo, pero siyempre, me reaction na makukuha ‘yan mula naman sa mga fans ni Kim Chiu.

Du’n naman sa factor na ‘yon, I’m sure, handa si DJ Mo.

ME NAGSABI SA amin, hindi raw type maging ka-loveteam ni DJ Mo si Shaina Magdayao. Kahit pa magkaroon ng clamor, ayaw pa rin daw ni DJ Mo.

ADVERTISING

Hindi nga naman daw maganda kung pagdudugtungin ang name nila’t magiging “Shaina-Mo.”

Baka merong sumagot at isigaw ang: “Shaina-Mo rin!”

MAY NAGTANONG NAMAN sa amin kung kelan daw susulpot sa eksena si Martha Cecilia, dahil panay nga ang banggit sa plugging ng, “Martha Cecilia’s Kristine.”

Siya po ang may-ari ng kuwento ng “Kristine,” pero kahit nga itong “Kristine,” hindi naman sumusulpot sa eksena, dahil tama ba kami, “Villa Kristine” pala ‘yon?

But I like the story, in fairness. Parang bold sa gabi. Sana lang, borlog na ang mga bata para hindi na nila nakikita ‘yung paghahalikan sa pagitan nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, at nina Rafael Rosell at Denise Laurel.

Buti na lang, may nakalagay na “Parental Guidance.”

Ibig sabihin, iga-guide natin ang mga parents.

Jowk!

NAG-GUEST KAMI NI Vice Ganda sa Simply KC nu’ng isang araw. Baka sa Monday ito ipalabas. Si KC, sa totoo lang ay walang ipinagkaiba pa mula nu’ng bata.

Marespetong bata. Lutang na lutang pa ang breeding. Eh, natandaan pa namin noon, everytime matataymingan na magkikita kami ni Megastar Sharon Cuneta at nandu’n si KC, “Anak, that’s your Tito Ogie. You kiss him,” follow naman si KC. Kaya hanggang ngayong mature na si KC, bitbit niya ‘yung ugaling marespeto sa mga “matatanda” sa showbiz.

Yes, totoo naman, masyonda na aketch.

Sina Zanjoe Marudo at Maja Salvador na ba?

Kasi, me nakakita sa kanila. Ako ‘yon. Hehehe.

Ito kasing si Maja, sa Twitter account niya, nagpadala ng twitpic nila ni Zanjoe. Andu’n daw sila sa Naga. Nasa van sila, naghihintay yata sila ng tawag para sabay na silang umakyat sa stage para sa kanilang Kapamilya Caravan.

Kaya kung hindi kayo nagtu-tweet, eh, ise-share na lang namin sa inyo ang litrato. Sabi nga ni Kuya Boy Abunda sa SNN…. “Now na!”

SA TWITTER DIN namin nalaman na masama ang pakiramdam ni Luis Manzano. Parang feeling niya, tatrangkasuhin siya.

Get well soon, Luis!

(Ganyan ka-updated ‘pag ikaw ay na-hook sa Twitter. Puwede kang maadik. At least dito ka lang maaadik, hindi sa droga, ‘no!)

‘Wag n’yong kakalimutang makinig palagi sa “Wow, Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING