Hulicam: Ang Pagdidilly-dolly ni Dolly Anne

ADVERTISING

Text and photos by Joey Sarmiento

Isa ang TV host/broadsheet columnist na si Dolly Anne Carvajal sa mga personalidad sa showbiz na masasabing single and available kahit meron na siyang anak na si IC Mendoza na humahataw ngayon sa mga show sa TV5.

ADVERTISING

Kung kani-kanino na ring artista at basketball player na-in love ang anak ng nasirang Inday Badiday, a.k.a. Ate Luds, pero ngayon, mukhang nakatagpo na ng tunay na love si Dolly sa isang guwaping na boylet/model, na sa tingin namin ay nasa early 20s.

Huwag nang mag-dilly-dolly. Huwag nang magde-deny, don’t tell a lie, dahil huling-huli ka ng aming kamerang-gala, okidoki???

ADVERTISING