HOT AND TRENDING: Angel Locsin, bumalik sa La Luna Sangre

ADVERTISING

HOT AND TRENDING: Angel Locsin, bumalik sa La Luna Sangre

HOT AND TRENDING: Angel Locsin, bumalik sa La Luna Sangre
Angel Locsin and Richard Gutierrez

MATINDING pinag-usapan ang teaser ng La Luna Sangre na ipinalabas nung Wednesday night (Sept. 6) kung saan slow motion na bumababa ang aktres mula sa kotse at naglalakad.

ADVERTISING

As of this writing ay hindi pa namin sigurado kung ano ang karakter na gagampanan ni Angel Locsin sa epic serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Basta ang malinaw lang, siya si Jacintha Magsaysay.

Hindi rin kami sure kung si Jacintha Magsaysay ang makakatapat ni Richard Gutierrez who is playing Sandrino – ang supremo ng mga bampira.

After lumabas ng teaser na babalik sa La Luna Sangre si Angel ay kaagad itong nag-viral sa social media. Napakarami ring nagulat at natuwa na nabuhay ang si Lia.

ADVERTISING

Ngayong Sept. 7 pa lang namin makakausap si Angel at ayon sa text niya sa amin ay marami siyang ikukwento. Part na siguro no’n ang muling pag-enter ng beauty niya sa La Luna Sangre.

Anyway, marami rin talaga ang nakaka-miss kay Angel na mapanood siya sa teleserye. Sa first part lang kasi ng La Luna Sangre siya napanood noon kasama si John Lloyd Cruz at dahil namatay na nga ang kanilang karakter kaya nawala na siya sa soap.

Palaisipan talaga kung paano nakabalik sa La Luna si Angel. Hindi kaya ang susunod namang babalik sa serye ay si John Lloyd Cruz? Hahaha

Abangan na lang natin ang La Luna Sangre sa mga susunod nilang episode dahil tiyak na maraming pasabog na magaganap.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING