Hot love scene ni Derek Ramsay kay Lovi Poe sa pelikulang “The Escort”, posibleng pagselosan ng girlfriend

ADVERTISING

Hot love scene ni Derek Ramsay kay Lovi Poe sa pelikulang “The Escort”, posibleng pagselosan ng girlfriend

Derek Ramsay and Lovi Poe
Derek Ramsay and Lovi Poe

Sa totoo lang, ang daming naghihintay sa pelikulang “The Escort” ng Regal Films, kung saan bida sina Lovi Poe at Derek Ramsay.

Sa mga photos na naglalabasan, super sexy ang eksena ng dalawa, na love scenes nila, akala mo, halaw sa mga triple x na foreign movies.

Hot na hot, ‘ika nga, na ayon sa mga nakapanood ng rushes ng pelikula na ipalalabas na pagkatapos ng Undas (sa November 2), baka maging ang mga namayapa na ay magising, mabuhay, at magka-interest panoorin ang pelikula. Hahaha!

Sabi ng mga nakapanood, hindi lang si Lovi ang pag-iinteresan ng kalalakihan. Maging ang mga beki, magkai-interest sa sexy at hunky na pangangatawan ni Derek na naka-flaunt sa pelikula, lalo na ‘yong nagsi-shower siya na ang abs niya ay namumutok.

ADVERTISING

Bukod kina Lovi at Derek, makasasama rin sa super-hot movie si Christopher de Leon.

Payo nga ng isang production insider, iiwas daw ni Derek ang girlfriend niya na si Joanne na mapanood ang movie.

Kahit sinabi ni Derek na ang girlfriend niya ay open-minded at hindi selosa, with Derek’s hot scenes with Lovi, baka ito ang pagsimulan ng selos at away nila ng girlfriend.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING