Host ng isang TV show, nagtataray sa maiingay na studio audience

ADVERTISING

HALFWAY THROUGH the taping of a TV show (na inabot na nang lampas hatinggabi) nang pansamantalang mabalam ito, blame in it a slight commotion na nilikha ng apat sa studio audience.

‘Ika nga, a fly in the ointment.

ADVERTISING

Pero ayon sa host, nadi-distract siya sa ingay mula sa apat na taong ‘yon while ongoing ang taping, kaya siya na mismo ang nag-cut sabay dayalog ng, “What’s happening there?”

When pacified, sumenyas na ang floor director na ituloy ang taping but the still miffed host insisted, “No, I want to find out what’s happening there!”

Napatingin siyempre ang ibang studio audience sa kinaroroonan ng apat, pero hindi pa rin nagpaawat ang host, “Oh, my goodness, next time choose your audience!”

ADVERTISING

The floor director had no other recourse but to ask the four to step out of the studio para hindi na mairita ang TV host na itago na lang natin sa alyas na Regine Flamingo.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING