Home Sweetie Home, nakakuha ng pinakamataas na rating

ADVERTISING

Home Sweetie Home, nakakuha ng pinakamataas na rating

Home-Sweetie-HomeCONGRATS NGA pala sa buong cast, staff and crew ng Home Sweetie Home dahil sa halos mag-iisang taon nang sitcom na ito nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, last Saturday ang kanilang highest rating na 27.4, kaya nga tuwang-tuwa ang Business Unit Head na si Tita Linggit Tan.

Siyempre, proud din kami, kasi, nadamay na rin kami sa mataas na rating na ‘yon, dahil first appearance namin as mainstay last Saturday episode, kaya sobrang higpit ng yakap sa amin ni Tita Linggit at nagpapasalamat din sa amin.

Juice ko, kami ang gustong magpasalamat, dahil “sumalba” ng buhay namin ang Home Sweetie Home, ‘no! Kaya nga ‘pag me naiisip kaming punchlines o eksenang nakakaaliw eh, talagang isina-suggest namin, lalo na’t kung sa ikagaganda at ikaaaliw ng programa.

Siyempre, tuwang-tuwa ang mga anak ko, dahil ang mga kaklase raw nila at mga guro ay aliw na aliw raw sa amin ‘pag “tumatalak” na kami sa mga eksena.

ADVERTISING

Juice ko, ‘yun lang maging “pride” kami ng aming mga anak ay dapat na naming ipagpasalamat sa Home Sweetie Home, at siguro, naniwala rin sa amin ang staff na hindi naging “pabigat” ang aming presensiya sa naturang sitcom.

Thank you, Direk Bobot, Tito Rhandy Reyes, sa mga writers at sa mga kasama naming sina Diana Zubiri, Wally Waley, Bearwin Meiley na hanep din naman ang “contribution” at talagang ramdam namin ang tulungan at walang sapawan ng bawat character.

Tenkyu talaga! Ayan, I’m beginning to cry na…. Charot!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING