HOLLYWOOD STAR NA! Lovi Poe, pasok sa ‘The Chelsea Cowboy’ nina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne

THE NEWS IS OUT: Isa nang ganap na Hollywood Star si Lovi Poe!

Lumabas ngayong umaga sa Entertainment news site na Deadline na pasok sa cast ng upcoming Hollywood film na ‘The Chelsea Cowboy’ si Lovi Poe. Makakasama niya sa pelikula sina Alex Pettyfer (Magic Mike) at Poppy Delevingne (Kingsman, Riviera).

HOLLYWOOD STAR NA! Lovi Poe, pasok sa ‘The Chelsea Cowboy’ nina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne
Lovi Poe

Ito siguro ang rason kung bakit hindi pa makumpirma ng dalaga kung siya ba ay mananatiling Kapuso o kung siya ay lilipat na sa Kapamilya channel. Ang kanyang international career kasi ang mas priority niya ngayon.

Ang ‘The Chealsea Cowboy’ ay isang biopic tungkol sa notorious ganster-turned-actor na si John Bindon, na na-link noon kay Princess Margaret.

Gagampanan ni Lovi ang British jazz musician na si Dana Gillespie, na may colorful past din with her affliations with David Bowie and many other interesting actors and musicians. Siya ang nag-hire kay John Bindon na maging bodyguard niya at magiging instrument para makilala nito si Princess Margaret. Sounds exciting, ‘diba?

“Can’t wait to start filming ‘The Chelsea Cowboy’ in October,”   pagkumpirma mismo ni Lovi sa kanyang Instagram page.

Ang upcoming biopic ay mula sa direksyon ni Ben Cookson, na nagbigay na rin ng kanyang pahayag sa pagkakasali ng dalaga sa pelikula.

“The team and I are delighted to have Lovi onboard and can’t wait to see her portrayal of Dana Gillespie – a ’60s icon and charismatic singer and actor, whose own life would indeed make an amazing biopic,” sambit ni Cookson sa Deadline.

 

Interesting para sa amin kung paano gagampanan ni Lovi ang isang iconic British character knowing na isa siyang Pinay. Pero also knowing Lovi, we know that she will slay the role! Sinearch na namin ang mga larawan ni Dana Gillespie noong 70’s at in fairness, may pagkakahawig nga sila ni Lovi. Idagdag pa na powerful at bagay sa jazz ang vocals nito, huh!

Excited kami para kay Lovi dahil sa wakas ay may totoong Pinay na mamamayagpag sa international scene. Way to go, Poe!