Hollywood movie ni Iza Calzado, banned sa US? – Archie de Calma

ADVERTISING

Hollywood movie ni Iza Calzado, banned sa US? – Archie de CalmaKUMAKALAT NA NGA ang intrigang nagkakaroon ng booking problems sa U.S. ang pelikulang The Echo na dinirek ng Pinoy na si Yam Laranas. Hindi ito maipalabas sa Amerika pero nai-release na ito sa South Korea at Russia. Naitanong namin kay Iza Calzado ang kinahinatnan ng pelikulang ito na halaw sa local horror film na Sigaw, kung saan nire-reprise lang ni Iza ang role niya roon dito sa Hollywood version.

Ayon kay Iza, artista lamang siya sa nabanggit na pelikula kaya hindi niya masasagot kung bakit hindi mai-book sa Amerika ang pelikula. Besides, hindi naman si Iza ang bida roon. Ang importante lang kay Iza, maipalalabas na sa Pilipinas ang The Echo. Nagkalat na ang posters ng pelikula with Jesse Bradford as its male lead, pero mukhang mauuna munang maipalabas ang Yaya and Angelina, The Spoiled Brat Movie na nagtatampok kay Iza in a villainess role.

ADVERTISING

Sa presscon ng pelikula, naitanong nga namin kay Iza ang katotohanan sa sinasabing rift nila ng aktres na si Sunshine Dizon. Natawa kami kay Iza dahil idinaan niya sa pagpapatawa ang isyu. Kunwari’y nag-e-explain siya,pero nawawala ang boses niya. In other words, ayaw niyang patulan ang para sa kanya’y kacheapang isyung ito with Sunshine, na ang feeling namin, may katotohanan ang tungkol sa iringan ng dalawa.

Patalbugan nga ang dalawa dahil kung may Tinik sa Dibdib si Sunshine, tampok si Iza sa Kaya Kong Abutin ang Langit na parehong bagong shows ng GMA-7.

Pauleen Luna, loser sa pag-ibig

ADVERTISING

LOSER NGA BA sa pag-ibig si Pauleen Luna? Kung kani-kanino na ito na-involve na celebrities, at ‘yung iba’y nakarelasyon pa niya, pero humahantong sa kawalan ang bawat isa. She’s not taking it against her though.

Sa presscon ng Ikaw Sana, ang bagong teleserye ng GMA-7 kung saan tampok si Pauleen bilang all-out kontrabida kina Jennylyn Mercado at Mark Herras, reunited nga siya sa mga artistang nakatrabaho niya some five years ago sa Blue Moon na dinirek ni Joel Lamangan. Si Direk Joel din ang namamahala sa produksiyon ng Ikaw Sana.

At sa pelikula ring ‘yun pala na-link sina Mark at Pauleen. Nilinaw ni Pauleen na walang relasyong naganap sa kanila ni Mark, other than being friends.Kaya walang pagka-ilang sa kanilang dalawa sa taping ng bagong teleserye. Kai-split lang ni Pauleen kay Dennis Trillo na very shortlived ang naging relasyon nila ng aktor.

Although, sinabi ni Pauleen na seryoso naman talaga sila ni Dennis, marami ang nagsasabing bound to end agad ang nasabing relasyon. Hindi pa nagsisimula, bigla na lang itong naputol. Tanggap naman agad ni Pauleen ito dahil talaga raw naka-focus siya sa career niya at mas importante ito. Hindi naman naipaplano ang lovelife,pero kusa itong dumarating sa kanya.

Natututo naman daw siya sa bawat kabiguan. Masasabi lang niyang loser siya sa pag-ibig kung nawindang na ang buhay niya dahil lang nag-fail siya.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING