Holding hands nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, aprub kay Mommy Divine

ADVERTISING

Holding hands nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, aprub kay Mommy Divine

Matteo-Guidicelli-Sarah-GeronimoMARAMI ANG kinilig sa sweet gestures nina Pop Princess Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na naganap mismo sa selebrasyon ng kaarawan ni Matteo kung saan naging espesyal na panauhin si Sarah kasama ang kanyang Mommy Divine.

Hindi nga maiwasang kiligin ang mga taong nasa kaarawan ni Matteo at saksi sa pagho-holding hands ng dalawa at nang halikan sa pisngi ni Sarah si Matteo bilang pagbati sa kaarawan nito.

Hinihintay nga raw ng marami ang magiging reaksiyon ng ever protective mom ni Sarah, pero wala naman daw itong reaksiyon at mukhang okey lang na makita ang sweetness nina Sarah at Matteo na magka-holding hands na magkasama sa party at kinunan ng litrato.

Marami nga ang nagsasabing ang pagiging blooming at happy ngayon ni Sarah ay gawa ni Matteo, bagay na bagay raw ang dalawa at may dalang kilig sa mga taong nakakikita sa kanilang dalawa.

ADVERTISING

Larawan daw ng masayang couple ang nakita ng mga invited guests ng mga sandaling iyon kina Sarah at Matteo na sana raw ay magtagal ang relasyon at hindi mauwi sa hiwalayan katulad ng nangyari kina Gerard Anderson at Rayver Cruz na pare-parehong nalink kay Sarah, pero hindi nagtagal.

Hindi na naman bata si Sarah na turning 26 sa buwan ng Hulyo, kaya naman puwedeng-puwede na itong magka-boyfriend at maranasan naman na magkaroon ng kanyang sariling Prince Charming. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING