Hiwalayang John Lloyd Cruz-Shaina Magdayao at Derek Ramsay-Angelica Panganiban, may news block-out?!

ADVERTISING

Hiwalayang John Lloyd Cruz-Shaina Magdayao at Derek Ramsay-Angelica Panganiban, may news block-out?!

Hiwalayang John Lloyd Cruz-Shaina Magdayao at Derek Ramsay-Angelica Panganiban, may news block-out?!MATINDI ANG ginagawang kontrol ng ABS-CBN sa isyu ng hiwalayan nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, kung saan ang isa sa mga itinuturong dahilan ay si John Lloyd Cruz.

Ang usap-usapan, naghiwalay daw sina Derek at Angelica dahil kay John Lloyd na siyang dahilan din kung bakit nag-break sina John Lloyd at ang kasintahang si Shaina Magdayao.

Kung paniniwalaan ang balita, kinaliwa raw nina Angelica at John Loyd ang kani-kanilang partner, kung saan ay walang kaalam-alam sina Derek at Shaina na ang kanilang mga mahal ay may mahal na ring iba.

Hindi ganu’n kakumpirmado, pero ang balita ay madalas daw ngayong bumibisita si Lloydie sa condo ni Angelica at super sweet ang dalawa.

ADVERTISING

Walang komento si Derek sa nasabing usapin dahil para sa aktor hindi siya magsasalita hangga’t hindi nagbibigay kumento ang dating kasintahang aktres.

News block-out sa Dos ang nasabing issue, maging sa kanilang sariling talk show ay hindi raw pag-uusapan ang masalimuot na hiwalayan nina John Lloyd-Shaina at Derek-Angelica.

Tsuk!

 

NANGAKO SI Sharon Cuneta na hindi na mauulit ang samaan ng loob nila ng kanyang pinakamamahal na tiya na si Helen Gamboa. Aminado ang megastar na nasaktan niya ang damdamin ng kanyang tiya at iyon ay dahil sa kinatigan niya ang asawang si Senator Kiko Pangilinan, na tiyak naman daw na gagawin ng kahit na sinong asawa sa kanilang husband.

Sa kabilang banda, sinabi ni Sharon na sobra ang naramdaman niyang saya nang patawarin siya ng kanyang Tita Helen dahil iyon naman daw talaga ang matagal na niyang wish sa kanyang buhay.

Malaking kawalan at lungkot ang mararamdaman ng Megastar kung tatagal pa ang sama ng loob sa kanya ni Tita Helen. At dahil sa pagbabating iyon ay magkakaroon daw ng get-together party ang mga Sotto at excited na si Sharon dahil matagal din niyang na-miss ang kanyang mga pinsang sina Lala, Ciara at iba pa.

 

SINABI NI Raymart Santiago na naguguluhan siya sa Tulfo brothers dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang paniniwalaan kung ang mga ito ba ay humihingi ng paumanhin o tinatakot sila.

“Actually itong second case na isinampa namin, Grave Treath, may kinalaman du’n sa mga sinabi nilang pagbabanta sa amin ng aking pamilya. Kung ako lang ang tatanungin, hindi ako maapektuhan kahit nagkasakitan pa kami, kaya lang dawit ang pamilya ko. Sana ako na lang ang sinaktan nila at hindi na nila dinamay itong asawa ko (Claudine Barretto).”

Hiwalayang John Lloyd Cruz-Shaina Magdayao at Derek Ramsay-Angelica Panganiban, may news block-out?!

Sa kabilang banda, hindi pa handa ang mag-asawang Claudine at Raymart na patawarin ang Tulfo brothers dahil feeling ng dalawa ay hindi pa panahon at hindi ganu’n kadali para kalimutan ang nangyaring insidente sa NAIA kamakailan.

Samantala, wala raw dapat daw ipag-alala ang MTRCB sa ginawa nilang suspensyon sa Tulfo brothers, kung saan ay 20 days na hindi mapapanood ang T3, matapos na magsalita ang magkakapatid laban sa mag-asawang Claudine at Raymart. Huh!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING