Hiwalayang Doc Manny at Dra. Pie Calayan, tsismis lang daw

Manny-Calayan-Pie-CalayanMARIING PINABULAANAN ni Doc Manny at Dra. Pie Calayan ang matagal nang bali-balitang on the rocks ang kanilang relasyon, kaya naman nagtungo ng Amerika si Dra. Pie kasama ng kanilang dalawang anak.
Tsika nga ni Dra. Pie sa presscon ng 20th year ng kanilang negosyong Calayan Surgi Centre kamakailan, tsismis lang daw ang kumalat na balitang hiwalay na sila. Nagpunta raw sa Amerika si Dra. Pie dahil na rin doon nag-aaral ang kanilang  anak na babae kaya kailangan niyang samahan. Bukod pa sa nagbukas din sila doon ng branch ng Calayan Surgi Centre na kanyang tinututukan.
At dahil ngayong graduate na ang kanilang mga anak, sa Pilipinas na muli ito mamamalagi, kung saan tutulong na rin sa kanilang negosyo ang kanilang anak.
Dagdag pa ni Dra. Pie na sa kanilang 20th year, may mga bagong produkto silang ilalabas at isa rito ang Calayan Secrets Whitening Body Beauty Bars (Him and Her).

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleHappy truck… pero bakit sad?
Next articleArnell Ignacio, naiyak sa istorya ng buhay ng alagang si Ken Psalmer

No posts to display