Hiwalayang Cesar Montano-Sunshine Cruz, gimik lang?!

ADVERTISING

Hiwalayang Cesar Montano-Sunshine Cruz, gimik lang?!

Hiwalayang Cesar Montano-Sunshine Cruz, gimik lang?!OLA CHIKKA na naman tayo sa mga chismax to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding. Kaya umpisahan na ang pasabog!

ADVERTISING

Sa true, ayaw ko na sanang patulan itong tsikang hiwalay na naman daw si Sunshine Cruz sa kanyang asawa, dahil sa isang starlet na nag-ngangalang Krista Miller. Take note, Krista na naman… reminds me of Krista Ranillo na pinagpiyestahan din noon nu’ng kasagsagan ng ‘Pacman Fever’, remember?

Ngayon naman, Krista ulit. Laging kabit. Pero matay ko mang isipin, kahit bali-baliktarin man ang utak ko, parang ito ay isang ilusyon portion or purely gimmick para pag-usapan ang kanilang pelikula. Dahil walang maisip na gimik.

Pero sa akin, gasgas na ito na tuwing may pelikula si Cesar Montano, laging issue ang hiwalayang blues nila ni Sunshine. Pero after all, sila pa rin. Kung totoo man ito, kawawang Krista. Kasi napaka-nega ng mga birada sa kanya ng ibang press na kesyo kabit, kerida, iskabetsi, mang-aagaw at kung anik-anik pa. Kasi nga, biglang react to death itong si Sunshine sa Instagram na mga kuha ng picture ng starlet na si Krista na kung saan pinost niya ang mga recycle na picture na regalo raw ni Cesar na kasama niya sa pelikulang The Turning Cradle: The Untold Story of Mayor Alfredo Lim.

ADVERTISING

Kasi nga, kaya raw pinatulan na naman ni Sunshine, kasi naapektuhan na raw ang kanyang mga anak, na si-lang nagparating kay Sunshine na diumano may namumuong ugnayan si Cesar at si Krista. Nasaktan daw ang kanyang mga anak kaya itinuwit niya ang batang starlet na sana raw ay magkaroon ito ng delicadeza at isauli niya ang mga ibinigay ni Cesar like T-shit, chocolate ay iPhone 5.

Ayon nga kay Sunshine, “I have been quite, weeks of texting and sending photos. I was really quiet, but don’t you know the meaning of being discreet. Ako lahat ang bumili niyan, ang T-shit para sa asawa ko at ang chocolate ay galing sa sister-in-law ko at ang iPhone 5 ay sa akin ‘yan, na hindi mo dapat ipagmalaki sa social networking ‘yan.”

Ang hindi ma-take ni Sunshine ay ‘yung sinabi ni Krista sa isang post niya na, “I hope someday I’ll be your first priority.”

Marami nang pinagdaanan itong si Krista, pero ito ang talagang lantarang ibinuyangyang sa publiko. Na-link na rin ito kung kani-kanino, pero iba ang Cesar Montano na ‘pag may pelikula, lahat halos ng kapareha niya ay pinagseselosan ni Sunshine.

Pero this time, palaisipan kung ito ay gimik. Kasi para sa akin, sa tinagal-tagal ko na sa industry, promomg-promo ang dating. Kaya naawa ako sa starlet na si Krista, kasi masamang bangungot sa kanya ito. Siya pa naman daw ang inaasahan ng pamilya, kasi bread winner siya. Marahil, ‘pag humupa na ang tsikang ito, malamang kasusuklaman ito ng mga misis dahil sa pang-aagaw ng asawa ng may asawa. Isang babaeng makati at walang matatawag na values ang babaeng gumagawa ng ganito lalo na sa mga moralista. Kaya sa bandang huli, ang pobreng Krista ang talunan at isusuka na ng mga misis na katulad ni Sunshine.

 

TEKA, ILANG tulog na lang, premiere night na ng I Luv U Pare Ko, sa Feb. 5, na pinagbibidahan nina Rocco Nacino at Ronjun Cruz. Siyempre kasama po ako at ang kaibigan kong sina Arnell Ignacio at Xixi Maturan. Lahat kami rito, mga kaluluwang bading.

Ito ang isa sa pelikulang hindi ko makakalimutan. Kasi, talagang mula sa umpisa hanggang matapos ang pelikula ay puro katatawanan. Hindi mo mahahalata na ito ay gay movie, kasi may lesson ang pelikula at ito ang masasabing tunay na sisterakas, kasi lahat kami dito mga badingerze.

Ito po ay dinirek ng kaibigang kong si Neil ‘Buboy’ Tan at produce po ito ng guwapo at simpatikong si Riqui Cardenia ng Krix Films. Showing na po sa Feb. 6 sa SM cinemas. Go, go na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING