Hiwalay na nga raw, pero… Rayver Cruz, sunud-sunuran pa rin kay Cristine Reyes?!

HINDI LANG pala ang ina, kapatid na si Ara Mina at boyfriend na si Rayver Cruz ang nakaaway ni Cristine Reyes.

Ang balita namin, pati ang kanyang interior designer ay nakaaway rin ng young sexy actress. Pinipilit daw kasi ni Cristine na tapusin na agad ang interior ng kanyang bahay dahil atat na atat na siyang lumipat. Ayun, hindi sila nagkasundo kaya nag-away ang dalawa.

Tama ba ang narinig naming ayaw pa raw bayaran ni Cristine ang kanyang interior designer.

Ang madalas na away ni Cristine sa kanyang ina ang dahilan kung bakit ninais niya na lumipat na siya kaagad sa kanyang bagong bahay. Tila walang makasundo itong si Cristine.

Si Rayver nga, kung anderin nga niya ay ganoon na lang. Kapag gusto niyang manood ng sine, kahit na alam niyang may trabaho si Rayver ay kinukulit niya ito. One time, may rehearsal ang binata para sa ASAP kaso hindi pa dumadating ang kanyang kasama. Alam n’yo bang sinabihan daw siya ni Cristine na layasan na lang ang rehearsal at gumala na lang sila?

Ngayon ay nagpaparamdam si Cristine kay Rayver kahit na hiwalay na sila. Panay raw ang yaya nitong mag-Bible study.

At ito namang si Rayver ay parang batang sunod nang sunod sa bawat naisin ni Cristine.

Nagwo-worry nga ang mother ni Rayver dahil parang nararamdaman nila na gustong maki-pagbalikan ng actor sa younger sister ni Ara. Ayaw na ayaw nila kay Cristine, pero hindi nila ma-sabihan si Rayver dahil mahal na mahal ito ng binata.

Ngayong break na ang dalawa ay panay raw ang dasal ng madir ni Rayver na pangmatagalan na sana ang kanilang split at hindi na magkabalikan.

KUNG SI Angelica Panganiban ay nali-link kay John Lloyd Cruz, ito namang si Derek Ramsay ay nauugnay pala kay Sam Pinto.

Isang follower ng binata ang nagtanong kung totoo ang blind item sa kanila ni Sam na lumabas sa isang sikat na showbiz website.

I don’t even know sam. I’ve only worked with her,” tweet ni Derek.

Isa pang follower, si Angel Suazo ang nag-tweet ng ganito, “we have videos of angelica and lloydie kissing… dont deny if its bcoz of 3rd party… she is not worth to live with…

Ang sagot ni Derek, ang alam niya ay nagtatrabaho lang ang dalawa.

Angel did a movie with jld in Vietnam where they had scenes like that. Work is work. Take care”.

Aminado si Derek na he and Angelica are going through rough patches in their relationship. Meron silang pinagdadaanan, pero gusto niyang sarilinin sa ngayon ang problema nila ni Angelica.

SI HEART Evangelista ang nagmukhang kontrabida nang magpainterbyu si Daniel Matsunaga at magsalita tungkol sa hiwalayan nila.

Daniel won the hearts of the televiewers dahil napaka-sincere ng mga sagot nito. Hindi rin siya nahiyang umiyak sa harap ng camera, bagay na lalong nakapagpaunawa sa mga tao kung gaano siya kabuting karelasyon.

Nakuha ni Daniel ang puso ng bawat manonood dahil wala silang nakitang hindi totoo sa mga sinabi nito.

Actually, gentleman pa nga si Daniel dahil hindi naman talaga niya sinabi kung ano ang tunay na dahilan ng break-up nila ni Heart.

Si Heart, ewan na lang kung makakakita pa siya ng lalaking iibigin siya nang higit pa sa love na ibibigay niya. Rare na ang guy na katulad ni Daniel, ‘no?! So, sorry ka na lang, Heart!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDingdong Dantes, kinaiinsekyuran ng isang Kapamilya actor!
Next articlePilay

No posts to display