Hiwalay dumating, holding hands umalis sa Star Magic Ball
John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala nang itinatago!

ADVERTISING

<b>Hiwalay dumating, holding hands umalis sa Star Magic Ball </b><br>John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala nang itinatago!

<b>Hiwalay dumating, holding hands umalis sa Star Magic Ball </b><br>John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala nang itinatago!

HIWALAY NA dumating pero magka-holding hands nang lumabas sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa katatapos na 6th Star Magic Ball na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La nu’ng nakaraang Linggo. Patunay lamang ito na pinapakita na ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung dati ay pahapyaw lang ang mga binibitawang salita ng dalawa kung tatanungin sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila, ang aksyon na ito nina John Lloyd at Angelica ay sapat na para malaman ng lahat na sila na nga sa ngayon.

Nang tanungin namin ang aktor sa kung paano ba niya ilalarawan ang kasalukuyang estado ng kanyang buhay sa ngayon, nagbigay-pahayag sa amin si John Lloyd na masaya siya sa tinatakbo ng lahat, maging ito man ay sa aspeto ng kanyang propesyon o maging sa kanyang personal na buhay.

ADVERTISING

Kung masaya na sa relasyon nila sina John Lloyd at Angelica, bukas naman din sa pagsasabi sina Shaina Magdayao at Derek Ramsay na naka-move on na rin sila pareho at masaya sila sa kani-kaniyang mga buhay.

 

ISA SA mga masasabing highlights sa nakaraang 6th Star Magic Ball ay ang pagbabati ng dating nagkaalitan na sina Coco Martin at Matteo Guidicelli. Ang huli kasi ang nagbigay ng award na Standout Star, kung saan ang nanalo ay si Coco. Masayang tinanggap ng aktor ang nasabing award at pabirong hinalikan pa ni Matteo ang kamay ni Coco nang tinanggap nito ang napalanunan.

Sa magkahiwalay na interview, nagpahayag ng kasiyahan pareho sina Matteo at Coco sa nangyaring pagbabati, kung saan nagkaroon sila ng matinding alitan na umabot sa suntukan nu’ng nakaraang taon sa 5th Star Magic Ball dahil kay Maja Salvador.

<b>Hiwalay dumating, holding hands umalis sa Star Magic Ball </b><br>John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala nang itinatago!

Ayon sa dalawa, magkaibigan silang dalawa at parehong naghihintay lang ng tamang panahon para matuldukan ang ‘di nila pagkakaintindihan noon. Kung kailan nga lang nauwi na sa breakup ang relasyong Maja at Matteo na sinasabing pinag-ugatan noon ng dalawa, saka naman nagkabati ang dalawang aktor.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING