Hiro Peralta, pinagdududahang bading

Hiro Peralta, pinagdududahang bading

Hiro-Peralta“TOTOO BANG bakla ka?” Ito raw ang kalimitang tanong na natatanggap ngayon ng Kapuso actor na si Hiro Magalona Peralta dahil na rin sa mahusay nitong pagganap bilang kloseta na kapatid ni Dingdong Dantes sa GMA primetime soap na Pari Koy.
Pero mabilis namang sinasagot ito ni Hiro sa pagsasabing, “Lalaki po ako! Role lang po ‘yun sa Pari Koy. Lalaking-lalaki po ako.”

Ang mga nakapanonood daw ng kanilang serye at kumukuwestiyon sa kanyang gender ang patunay na epektibo ang kanyang pagganap bilang bading. Kaya naman daw everytime na may magtatanong sa kanya kung bading siya ay hindi nito maiwasang matawa at matuwa.

John’s Point
by John Fontanilla