Hiro Peralta, pass muna sa pagtanggap ng gay role

ADVERTISING

Hiro Peralta, pass muna sa pagtanggap ng gay role

Hiro-PeraltaAFTER NG klosetang role sa Pari Koy, kung saan hinangaan ang galing niya rito, gusto munang mag-pass ng GMA teen actor na si Hiro Peralta sa pagtanggap ng ganitong klaseng role.
Mas gusto naman daw ni Hiro ng ibang role like kontrabida para masubukan niya ito. Gusto raw kasi nitong maging versatile actor na kahit anong role ang ibigay ay magagampanan niya nang buong husay.
“Siguro after Pari Koy, pass muna ako sa gay role. Gusto ko, iba naman. Gusto kong mag-kontrabida. Maganda kasi ‘yung makagawa ka ng iba’t ibang role para maging versatile ka. Hopefully on my next project, iba naman ang character na ibibigay sa akin.”
Sa ngayon daw, naga-a-undergo pa rin ito ng acting workshop sa GMA para mas maging mahusay pa sa pag-arte.

 

Jake-VargasJake Vargas, blockbuster ang mall show sa Bulacan

NAGING MATAGUMPAY ang last leg ng Star Mall mall tour ng tinaguriang Prince of Mall Show na si Jake Vargas, kung saan libu-libong tagahanga nito ang pumunta at nakisaya sa Kapuso teen actor sa Star Mall San Jose, Bulacan sa pakikipagtulungan ng Aficionado Germany Perfume, Olive C, New Placenta, at Greenwich.
Bukod kay Jake, nagpakilig din ang singer/ model na si Vincent Dela Cruz at ang grupong Generation 6 na kinabibilangan nina Moja, Miko, Jb, Mark, at Carl.
Masayang-masaya nga ang mabait at magandang event marketing head ng Star Mall San Jose, Bulacan na si Ms. Krystal sa turn-out ng dami ng tao na pumunta sa mall show na ito ni Jake.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING